MASDAN ANG PANTALAN SA QUINAPONDAN!
Press Release - Hitik sa kultura ang probinsya ng Eastern Samar sa Visayas region, kabilang ang makasaysayang Balangiga Bells na naibalik lamang sa Pilipinas noong 2018 matapos ang 117 taong pamamalagi nito sa Amerika.
Dinadayo rin ng mga turista ang Canhugas Nature Park, Luksoon Cave, Jagnaya Beach, at marami pang iba.
At tiyak na mas magiging madali na ang pag “explore” sa mga naggagandahang tourist destinations sa Eastern Samar matapos makumpleto ang pagsasaayos ng Quinapondan Port!
Sa pamumuno nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago, isinaayos ang daungan alinsunod na rin sa “Build, Build, Build” infrastructure program ng Duterte administration.
NGAYON, isa ng major tourist destination ang lalawigan matapos tutukang ayusin ang Quinapondan Port. Kabilang sa mga isinagawa ang mismong site development at maging ang konstruksyon ng Back-Up Area, Terminal Building at Storage Room.
Magiging malaki ang ambag ng pantalan sa Quinapondan sa turismo at komersyo, gayundin sa mobility at connectivity ng lugar sa iba pang mga islang kalapit nito.
#DOTrPH

#MaritimeSectorWorks #RechargePH #BUILDBUILDBUILD #ComfortableLifeForAll
Best Website Host:
www.bluehost.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=120674.0