Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Pinay nasagip sa bentahan ng laman  (Read 727 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Pinay nasagip sa bentahan ng laman
« on: November 22, 2012, 01:16:31 PM »
Nadakma ang isang Asyanong tsuper ng taksi na pinararatangang gala­may ng sindikato ng prostitusyon sa Kuwait at nagtangkang mambiktima sa isang Filipina worker.

Sa ulat ng local press sa Kuwait nitong Nobyembre 19, bago tuluyang nabitag ng mga pulis ang cab dri­ver ay isang motoristang Kuwaiti na nakasaksi sa maduming plano ng ina­akusahang tsuper ang nagpakabayani at lakas-loob na humabol para ito ay masukol.

Nakita umano ng la­lakeng Kuwaiti ang ginagawang pangha-harass ng taxi driver sa Pinay kung saan tinangka pa ng nagmalasakit na motorista na patigilin ang suspek pero hindi ito nagpapigil.

Bunsod nito, agad tumawag at nagpasaklolo sa Operations Department ng Ministry of Interior ng Kuwait ang motorista saka binuntutan ang taxi driver.

Sa pamamagitan ng deskripsyon sa taksi at lokasyon na binigay ng Kuwaiti ay matagumpay na nahuli ng Kuwaiti police ang suspek.

Sa imbestigasyon ay lumitaw na ang Pinay ay nagtatrabaho sa isang beauty salon sa Sabah Al-Salem at suki nitong ‘service’ ang tsuper na regular na naghahatid sa kanyang pinagtatrabahuhan.


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=59390.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts