MULTI-PURPOSE BUILDING NG BRGY. RANGAYEN, ALAMADA, PORMAL NANG NAITURN-OVER NI GOVERNOR NANCY CATAMCO
"Bilang ama ng Brgy. Rangayen, malaki ang pasasalamat ko kay Governor Nancy Catamco sa proyektong ibinahagi sa amin. Ang panunungkulan niya bilang isang Ina ng Probinsya ay mananatiling isang legasiyang tatak Catamco na may puso at malasakit sa amin." Rangayen Brgy. Chairman Ruben Bandiola
Pinangunahan mismo ni Governor Nancy Catamco at Alamada Mayor Jesus " Susing" Sacdalan ang pormal na pag turn-over ng Multi-Purpose Building ng Brgy. Rangayen kay Brgy. Chairman Ruben Bandiola kasama ang mga miyembro ng kanyang konseho.
Ang Multi-Purpose Building na pinondohan ng P1.7M ng Provincial Government ay magsisilbing bagong Brgy. Hall ng nasabing barangay.
Bakas din sa mukha ng mga sumaksing residente ang labis na tuwa sa kanilang bagong gusaling pambarangay.
#KuyogTa!
#Dumaki!
news.mikeligalig.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122632.0