Patay ang dalawa katao at sugatan ang 4 na iba pa nang bulabugin sila ng putok at pagsabog ng granada na kagagawan ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin habang napa-party sa loob ng compound ng bagong tayong bahay sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Ayon sa inisyal na report ng Bocaue police, tatlo ang salarin na sumugod dakong alas-otso ng gabi.
Sa imbestigasyon, dead-on-the-spot si Raymond Samson nang sunud-sunod na putukan ng mga salarin pagkatapos nitong pagbuksan ang mga ito ng gate.
Pagkapasok sa compound ay isinunod na pinutukan ang may-ari ng bagong gawang bahay na si Mario Mendoza.
Isinugod sa ospital ang biktima pero binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Matapos barilin si Mendoza ay naghagis ang isa sa mga suspek ng granada sa kumpulan ng mga tao at saka tumakas. Tinamaan ng shrapnel sina Valeriano Nicolas, Raul Samonte, Ronaldo dela Cruz at Alberto Alberto, pawang nasa tamang edad. Sinasabing si Mendoza ang target ng pag-atake.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=64190.0