Isang malapit nang magretirong opisyal ng PNP-Southern Police District ang nahaharap sa kaso ng panggagahasa ng isang menor-de-edad sa Parañaque City noong Martes ng gabi.
Pinaghahanap ngayon ng Parañaque police si Senior Insp.Mujalni DugaÂsan matapos magreklamo sa pulisya ang ina ng biktimang ginahasa.
Si Dugasan ang commander ng Police Community Precinct (PCP) 3 sa San Dionisio kung saan naganap ang krimen.
Base sa naging imbestigasyon, nagpunta sa PCP 3 ang 15-anyos na babaeng biktima bandang alas-siyete ng gabi para hanapin ang isang kaibigan na hindi na pinangalanan sa police report.
Dito nakita ni Dugasan ang dalagita na agad hiningi ang numero ng cellphone at nagmagandang-loob pa ang PCP 3 commanÂder na ihatid ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay Sto. Niño.
Pumayag naman ang dalagita at sumakay sa Toyota Innova ni Dugasan pero imbes na ihatid sa kanilang bahay ay dumaan muna sila sa drive-thru ng isang fast-food outlet at mula roon ay pumarada sila sa parking lot na malapit sa Parañaque police station.
Habang nakaparada ang Innova ay doon isinagawa ng 55-anyos na si Dugasan ang panghahalay sa 15-anyos na high school student, base sa pahayag ng biktima sa pulisya.
Pagkatapos ng panggagahasa ay iniwan ni Dugasan ang biktima malapit sa Amvel compound na nagsisilbing headquarters ng El Shaddai ni Bro. Mike Velarde.
Agad naman nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na mabilis na sumugod sa Station 5 ng Parañaque police na sumasakop sa PCP 3 na pinamumunuan ni Dugasan.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may isang pulis na nadawit sa karumal-dumal na krimen ng panggagahasa. Matatandaang noong nakaraang Enero ay dalawang pulis ang nadawit sa magkahiwalay na insidente ng panggagahasa sa Pasay City at sa Taytay, Rizal kung saan mga asawa ng mga nahulihan umano ng droga ang kanilang pinagsamantalahan.
Nangyari ang sinasabing rape noong hatinggabi ng Enero 26 doon mismo sa loob ng patrol car nina Police Officer 1 JonaÂthan Castro at PO1 Marvin Panaga na mga miyembro ng Pasay City police office.
Base sa complaint-affidavit ng rape victim, hinuli nina Castro at Panaga ang live-in partner ng biktima sa violation ng city ordinance na “urinating in public†sa Merville Access Road noong EneÂro 26. Inakusahan din ng dalawang pulis na matulis ang suspek ng drug possession dahil sa umanong nahulog na shabby packet mula sa kanyang bulsa.
Dito makikita ang modus operandi nina Castro at Panaga na planting of evidence para takutin ang suspek at kikilan ng malaÂking halaga ng pera na siya ngang nangyari nang dumating sa Presinto 10 sa Merville, Pasay City ang kanyang live-in partner.
Nagsimula sa P100,000 ang halaga ng kotong hanggang ibinaba sa P40,000. Pero dahil P5,000 lang ang dalang pera ng babae ay dito na idiniga ni Castro ang sex bilang pampuno sa kakulangan.
Mabuti na lang at ipinagtapat ng babae sa kanyang live-in partner ang nangyaring pagsasamantala sa kanya ng pulis na si Castro kung kaya nagpasya silang humarap sa GMA 7 para isiwalat ang mga pangyayari.
Ganito rin ang naging karanasan ng isa pang batang babaeng ginang sa kamay ng isang pulis sa Taytay, Rizal na iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad.
Mukhang walang kadala-dala ang mga matutulis na pulis kagaya ni Senior Insp. Dugasan na menor-de-edad pa ang napiling pagsamantalahan at hindi na naisip na parang apo na lamang niya ang biktima.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=70358.0