NAPAWI ANG LUNGKOT SA PAGDALAW NI Governor Nancy Catamco
Tulunan, North Cotabato (Nobyembre 07, 2020) - “Ngayon lang po sya kumakain ulit.â€, sabi ni Ginoong Dionisio Jamdre Dela Cruz kay Governor Nancy A. Catamco, tungkol sa kanyang bunsong anak.
Kita sa mukha ng bata ang mumunting ngiti habang kinakain ang mga biskwit at kendi na dala ng Gobernador. Isa sya sa mga naulilang anak ni Ginang Charie Vic Dela Cruz.
Masaklap ang trahedyang sinapit ng mag- anak, lalo na ng mga bata sa pagkawala ng kanilang Ina.
Nang tanungin ni Gov. Catamco ang bata kung ano ang pangarap niya, tumugon itong nais nyang maging enhinyero. At ang kanyang nakatatandang kapatid naman ay magiging isang titser.
Sabi pa ng kanilang ama, “Sa akon nalang ga kwa kusog ang akon mga bata. Hambal pa sang agot ko, kun indi ko maghibi, indi man sya maghibi.â€.
Sa murang edad ay naiintindihan na ng mga bata na kailangan nilang magpatuloy sa pagsusumikap upang maabot ang kanilang mga pangarap, at ialay ito sa kanilang yumaong Ina.
Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ng buong pamilya ng masilayan si Gov. Catamco. Bakas sa kanilang mga mata ang kahit papaanoy pagpawi ng kanilang hinagpis na nadarama.
(PGO Media Team)
#WeHealAsOne
#MasaganangNorthCotabato
#KuyogTa
#Dumaki

*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.
Latest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116617.0