BUNTIS, PATAY SA AKSIDENTE SA TACURONG CITY
Patay ang dalawang buwang buntis na babae matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo sa National Highway,Tacurong City,Sultan Kudarat.
Kinilala ang biktima na si Kris Liane Jean Corpuz Maligmat, residente ng Purok 11,Valdez Subdivision Barangay Poblacion,Tacurong City at sugatan naman ang kasama nito na si alyas Em-Em.
Ayon sa report,sangkot sa nangyaring aksidente ang isang Mio motorcycle na sinasakyan ng mga biktima at isang kotse.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at nasa kustodiya na ng Tacurong City PNP- Traffic section ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente para sa proper disposition.
news.mikeligalig.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122944.0