NASAWI habang ginagamot sa ospital ang isang mister na katatapos lamang ikasal makaraang barilin mismo nitong kumpare habang nagkakasayahan sa kasalan kamakalawa sa Bgy. Makandong Anda, Pangasinan.
Nakilala ang biktima na si Arnolfo Anchita, nasa tamang edad, samantalang ang suspek ay kilalang si Crisostomo Pancho,nasa tamang edad,may-aswa at residente rin ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat,bandang 12:00 ng tanghali naganap ang pamamaril sa biktima gamit ang isang homemade shotgun.
Batay sa nakalap na impormasyon, kauuwi lamang ng mga sisita at katatapos lamang ng kainan nang nag-iinuman na ang suspek at ang biktima kasama ang ilan nilang kaibigan upang ipagdiwang ang naganap na kasalan.
Nagakaroon ng mainitan pagtatalo ang suspek at ang biktima kung saan umuwi ang suspek sa kanyang bahay at nang bumalik ay dala ang nasabing armas at walang sabi-sabing binaril sa dibdib ang biktima.
Nabatid namismong
ang suspek pa ang naging kusinero sa kasal at malapit pang magkumpare ang mga ito kaya laking gulat ng mga kakilala kung bakit nagwang paslangin ang biktima.
Patuloy na pinaghahanap ang suspek upang managot sa krimen. - source: bulgar news
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=48412.0