"Hihingi lang ako ng tawad sa pamilya nila, kung ang kapalit ay kalaÂyaan ko." Ito ang inihaÂyag kahapon ni Nestor Delizalde Jr., 32, miyembro ng Sputnik, barangay tanod at suspek sa pagmasaker ng mag-ina at kasambahay nang iharap kahapon kay Manila Mayor Alfredo Lim ng mga operatiba ng Manila Police District-homicide section.
Ang suspek ay nakapiit ngayon sa MPD-hs, matapos maaresto ni Barangay Chairman Arthur Ignacio at mga barangay tanod, kamakalawa ng gabi sa Almeda St. Sampaloc, Maynila.
Magugunitang alas-kwatro nang pasukin ng suspek ang bahay ng mga biktima sa pamamagitan nang pagdaan sa likurang pintuan kung saan matatagpuan ang isang creek. Nang mabisto ang panloloob nito ay pinaslang ang mga biktima.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=57706.0