ni Edna A. Bagadiong
VIRAC, Catanduanes, Jan. 26, (PIA) -- Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa lalawigan laban sa mga kaso ng text scams sa lalawigan.
Ang naturang babala ay ipinalabas ng DTI Catanduanes provincial office sa gitna ng mga napaulat na isyu ng scams kung saan nanghihingi umano ng load o pera ang mga suspek.
Ayon sa DTI, ang lehitimo at aprobadong sale promotions sa pamamagitan ng short messaging service (SMS) o text messaging ay karaniwang binibigyan ng permit number sa oras ng aplikasyon at 30 araw bago simulan ang isang promosyon.
Maaari umanong malaman ng mga consumers kung totoo ang isang contest at raffle promo sa
www.stincr.ph o maaari ring tumawag sa DTI sa numerong 751-3330.
Pwede ring magreklamo at magreport sa National Telecommunications Commission’s One-Stop Public Assistance Office (OSPAC) sa numerong 926-7722 o sa e-mail na
[email protected].
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=46733.0