Energy FM News Balita
CASHIER AT KAKUNTSABA NITO, ARESTADO MATAPOS MAGNAKAW SA ISANG SUPERMARKET SA KALIBO
Ni: Mary Joy De La Cruz, Energy FM, November 05, 2021
Kalibo, Akan-- Kulong sa Kalibo PNP Station ang cashier at kakuntsaba into matapos magpuslit ng mga grocery items sa isang Supermarket sa may Roxas Avenue, Extension, Kalibo alas 2:00 kahapon.
Isang 24 anyos na babae ang cashier at residente ng Brgy. Estancia, Kalibo habang isang 39 anyos naman at residente ng Brgy. Tigayon, Kalibo ang kasama nito.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Kalibo PNP na sa pamamagitan ng kanyang kakuntsaba ay binayaran niya sa cashier lane ang mga goods na kanilang ninakaw.
Matagumpay na napalusot ang masobra Php 4,000.00 na halaga ng mga produkto kasama na rito ang mga delata, noodles, chichirya, bigas at iba pa.
Napansin umano ng isa sa may-ari na hindi tugma ang rekord sa resibong binayaran.
Nagpasya umano itong usisain at doon niya nakitang nasa Php 270.00 lamang ang binayaran imbes na Php 4,328.25.00.
Minabuti nitong humingi ng tulong sa Kalibo PNP na agad namang naaresto ang dalawang babae.
Naiuwi pa umano ng cashier ang mga grocery items sa kanyang bahay ngunit ibinalik rin umano ito sa supermarket matapos nitong aminin ang kanyang nagawa.
Nakuha ang tatlong karton at dalawang sakong bigas sa nasabing lugar.
Mahaharap sa kasong Qualified Theft ang dalawang suspek.
#EnergyNewsNumber1
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121666.0