Author Topic: Make Christmas Party Simple  (Read 321 times)

mikeortegaligalig

  • INTERN
  • **
  • Posts: 987
    • View Profile
Make Christmas Party Simple
« on: December 11, 2019, 05:18:49 PM »
By Radyo Bida NDBC

DepEd hinikayat na gawing simple ngunit makabulohan ang Christmas party ng mga guro at mag-aaral.

KIDAPAWAN CITY-Hinikayat ngayon ni Cotabato at Kidapawan City Schools Division Supt Omar Obas at Romelito Flores ang mga guro at mag-aaral na gawing simple, hindi magastos ngaunit makabulohan ang mga Christmas party ng bawat paaralan.

Nakasaad sa ibinabang kautosan ng Deped Region 12 na mas mabuting magsagawa nalang ng PASKOMUNIDAD na siyang tema ng kapaskohan ngayong taon ng DepEd.

Mas mabuti anilang kaysa magarbong Christmas party ay dalhin na lamang ito sa komunidad o di kaya'y sa Evacuation lalo pa't apektado ang lahat sa nagdaang mga lindol.

Magandang pagkakataon rin anila itong maka tulong sa mga bata bilang stress debriefing lalong lalo na yaong mga nasa Evacuation center parin hanggang sa ngayon.

Sa Kidapawan City Division ay ang pagpapatayo ng simpleng tirahan ng walong mga guro ang napagkasunduang gagawin ng mga District Supervisors at Principal.

Tinawag nila itong "Bahay mo, sagot ko." 

Nabatid kasi na walong mga guro ang ngayo'y nakatira rin sa Evacuation center matapos pinadapa ng lindol ang kanilang bahay.

Samantala sa Cotabato Division ay ito rin ang panawagan ni SDS Omar Obas na hindi kailangang magarbo o magastos ang Christmas party.

Dapat aniyang isaalang alang ang sitwasyon at mas mabuting magbigay nalang ng tulong lalong lalo na sa mga mag-aaral na naging biktima ng lindol.

Samantala, bago amg christmas break ay aasahang matatanggap narin ng mga Teaching at non teaching personnel ang 10 thousand pesos na Service Recognition Incentive.

Nabatid na una ng naghpalabas na Executive order si president Duterte na nagbibigays ng dagdag na 10 thousand pesos para sa naturang Incetnive sa mga empleyado ng gobyerno.

Sa nasabing halaga, 7 thousand pesos ang mula sa Office of the president at ang  3 thousand naman ay mula sa savings ng Department of Education o DepEd.

Dagdag naman ni Supt Obas na posibleng hindi matapos ang pamimigay nito sa loob ng isang araw dahil sa dami ng mga guro at personnel ng Cotabato Division na umaabot na sa 13 thousand.

* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>> http://inv.re/9o3vp



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=91786.0

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: