VEHICULAR ACCIDENT: PATAY ANG ISANG SIKLISTA MATAPOS MASAGASAAN NG TRUCK.
Isang siklista ang nasagasaan ng truck sa Brgy. 95-A sa Caibaan, Tacloban City noong Marso 16, 2021.
Ang biktima ay nakilala na si Lourine Mae Superable, 17 taong gulang at taga Jaro, Leyte.
Ang driver ng wing van truck ay si Cesar Centino, 29 na taong gulang nakatira sa Brgy. San Juan, Sta. Fe, Leyte.
Ayon sa otoridad may nasagi si Superable na sanhi ng kanyang kawalan ng balanse habang nagbibisikleta na ikinatumba nito, kung saan may dumaan na truck na syang nakasagasa dito. Dahil sa malapit na hindi na naiwasan ng driver.
Samantala, nasa kustodiya na ng kapulisan si Centino at nahaharap sa kaso na reckless imprudence resulting to homicide.
Photo courtesy: Kap Albert Eviota
Best Website Host:
www.bluehost.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=120718.0