by PIA
Kaugnay ng ika-425th anibersaryo ng Taguig City, magkakaroon ng libreng sine para sa mga senior citizens ng lungsod.
Pinamagatang “Free Movie Date†para kina Lolo at Lola, ang libreng sine ay magaganap ngayong Lunes, Abril 23, 2012 simula 6:00 p.m. hanggang 10:00 p.m. sa SM Bicutan Cinemas.
Makakasama ng ating mga lolo at lola sa panonood ng sine ay mismong si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Samantala, isang ‘E-Kasalang Bayan’ naman ang gaganapin sa Biyernes, Abril 27, mula 8:00 a.m. hanggang 11:00 a.m. sa Taguig City University Auditorium, Gen. Santos St., Justice Hall Compound, Upper Bicutan, Taguig City.
Sa araw ding ito ay magkakaroon din ng kite flying competition na pinamagatang ‘Lipad Lipunang Maunlad’ na gaganapin sa C6 Road, Napindan mula 3:00 p.m. to 5:00 p.m.
At mula 5:00 hanggang 8:00 ng gabi ay isang sayawan naman ang tiyak aabangan na pinamagatang ‘Indakan sa BGC Street Dancing Performances’ na gaganapin sa Bonifacio Global City.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag ugnayan kay Lito Laparan sa 0920-9281185 o sa City Information Office sa telepono bilang 542-3694. (TAGUIG-PIO/RJB/JEG-PIA-NCR)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=50574.0