KATUPARAN NG PANGARAP
Press Release
Makilala, North Cotabato (Nov 20, 2020)
Labis ang pasasalamat ng tribu dahil mayroon na silang gusali para sa mga aktibidad, pulong pulong at pag-aayos ng mga problema ng tribu, ayon kay Makilala Indigenous Mandatory Representative Lutero Pampangan kasabay ng pormal nang pag turn over sa kanila ni Governor Nancy CATAMCO ng dalawang gusali ngayong araw.
Naisalaysay ni Pampangan na inilapit nya kay Governor Catamco ang kanilang pangangailangan ng tribal hall noong ito ay kongresista pa taong 2018. Agad umano itong inaprobahan sa halagang P5M at nadagdagan pa nga nang P5M kaya nagkaroon sila ng dalawang gusali.
Ang gusali ay magsilbi din bilang display center ng mga handy crafts, mga damit, habi at palamuti na gawa nga mga kababaehan sa tribu. Ilalagay na rin dito ang mga antigong instrumento ng pagtugtog at maging lugar para sa mga pagsasanay.
Sinabi ni Pampangan na pagsisikapan ng kanyang tanggapan na maiangat ang kanilang teknikal na kaalaman.
"Naningkamot usab kami sa pagtabang sa pagduso sa kalambuan. Ang panghinaut natu nga kitang tanan magkahiusa alang da pagpalambo sa kahimtang sa tribu."
Nag alay ng sayaw pasasalamat ang mga kabataang tribu para sa Gobernador at sa mga sumaksi sa aktibidad .
#WeHealAsOne
#MasaganangNorthCotabato
#kuyogta
#Dumaki
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=117302.0