normal_post - Karera ng Motorsiklo - Philippine Provinces Author Topic: Karera ng Motorsiklo  (Read 82 times)

mikeortegaligalig

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 435
    • Share Post
clip - Karera ng Motorsiklo - Philippine Provinces
Karera ng Motorsiklo
« on: December 11, 2019, 05:22:39 PM »
By Radyo Bida NDBC
20 katao arestado matapos masangkot sa karera ng motorsiklo sa bayan ng Tulunan

TULUNAN, NORTH COTABATO- Abot sa 20 katao ang naaresto ng Tulunan PNP katuwang ang Highway Patrol Group o HPG matapos na masangkot sa karera ng motorsiklo sa national highway ng Sibsib, Tulunan, North Cotabato nitong Sabado.

Ayon kay Tulunan PNP Chief Police Major Jun Napat, na sa nasabing bilang, walo rito ay mga menor de edad kung saan na-iturn over na ito ng DSWD sa kanilang mga magulang.

Sa ulat, abot naman sa siyam na mga motorsiklo ang nakumpiska ng PNP kung saan karamihan dito ay gumagamit ng modified mufflers at lahat din ng kanilang nakumpiska ay walang mga kaukulang papeles.

Kabilang din sa kanilang narekober ay ang isang unit ng puting Toyota Hi-Ace Van na sinaksayan aniya ng mga parokyanong nakikipagpustahan sa nasabing laro.
Ayon pa kay Napat na madalas itong ginagawa ng mga sangkot dito tuwing hating gabi sa kahabaan ng nasabing highway.

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang labindalawang iba pa.

Muli namang umapela ang opisyal sa mga magulang ng mga sangkot sa nasabing aktibidad na bantayang maiigi ang kanilang mga anak lalo’t delikado ang nabanggit na iligal na laro.

* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>> http://inv.re/9o3vp



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=91789.0



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via twitter
 

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2020, SimplePortal