𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗤𝗨𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗘𝗔𝗥𝗧𝗛𝗤𝗨𝗔𝗞𝗘𝗦 𝗢𝗙𝗙𝗦𝗛𝗢𝗥𝗘 𝗢𝗙 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥 (as of 6PM 20 Dec)
Nakatala ang DOST-PHIVOLCS Philippine Seismic Network ng 𝟰𝟵 𝗼𝗳𝗳𝘀𝗵𝗼𝗿𝗲 𝗲𝗮𝗿𝘁𝗵𝗾𝘂𝗮𝗸𝗲𝘀 sa kanluran-hilagang kanluran ng Santa Catalina, Ilocos Sur mula 17-20 December 2024. Ang pinakamalakas sa mga lindol na ito ay nangyari noong 19 December 9:00 AM at naramdaman sa Santa Catalina sa lakas na PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale (PEIS) II.
Ang mga lindol na ito ay maaaring magpatuloy at tuluyang bumaba sa mga susunod na araw O kaya naman ay tumindi at mauwi sa malakas na lindol na maaaring lumikha ng tsunami.
𝐌𝐀𝐆𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀. Kapag nakaramdam ng malakas na lindol, mag-𝗗𝗨𝗖𝗞, 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥, and 𝗛𝗢𝗟𝗗. Alamin ang natural na senyales ng paparating na lokal tsunami: 𝗦𝗛𝗔𝗞𝗘 (malakas na pagyanig ng lupa), 𝗗𝗥𝗢𝗣 (biglaang pagbabago sa antas ng tubig-dagat), o 𝗥𝗢𝗔𝗥 (kakaibang tunog mula sa dagat). Lumikas agad o lumayo mula sa tabing-dagat.
𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐏𝐀𝐍𝐔𝐑𝐈. Kumuha ng tamang impormasyon mula sa opisyal na website and social media accounts ng DOST-PHIVOLCS at ibang mga awtoridad.
----
PDF copy of update:
https://bit.ly/EQSequence-IlocosSur#HandaAngMayAlam #EarthquakeIlocosSur
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=126000.0