Best Wordpress Web Hosting Company 2021

Author Topic: Hybrid Electric Road Train in North Cotabato  (Read 181 times)

admin

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 28853
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • RSS Feeds
Hybrid Electric Road Train in North Cotabato
« on: November 23, 2020, 09:32:50 pm »
SEKTOR NG TRANSPORTASYON,
KOKONSULTAHIN SA PANUKALANG OPERASYON NG HYBRID TRAIN SA PROBINSYA

Amas, Kidapawan City (Nov 23, 2020)
Inaasahan ang serye ng mga konsultasyon at  pagpupulong kasama ang sektor ng transportasyon sa buong probinsya upang makabuo ng plano kaugnay sa panukalang operasyon ng Hybrid Electric Road Train (HERT) sa probinsya ng North Cotabato.

Ito ang napagdesisyunan  sa ginawang coordinative meeting ng HERT TASK FORCE ngayon araw kasama ang DOST, DPWH, Provincial Planning Development and Coordinating Office, Provincial Engineering at iba pang sektor.

Nilinaw ni Governor Nancy Catamco  na nais nyang tutukang mabuti ng HERT-TF ang mga teknikal na usapin tulad ng: financial and technical requirements, manpower and Management,  operation and maintenance, road requirement at ang pagtukoy sa epekto nito sa maliliit na sektor na transportasyon.
"Hindi natin papatayin ang sektor ng transportasyon, kailangan natin ng tamang plano," ayon sa Gobernador.

Sinabi rin nito na "Mahalaga na marinig natin ang pananaw ng sektor ng transportasyon at tiyakin na sila ay di naapakan sa pagsulong ng proyekto,."  Ipinanukala rin na magkaroon ng representante ang sektor ng transportasyon sa sa binuong Task Force.

Nilinaw ng Gobernador na hindi niya ipipilit ang operasyon ng  HERT sa Probinsya kung hindi pa ito kailangan o di nababagay sa kasalukuyang sitwasyon. Subalit, mas maigi na pag-aralan upang di mapag iwanan ng panahon at magkakaroon ng tamang panukala ang Probinsya  na maisumite sa DOST.

Natalakay rin at narinig ang panig ng DPWH sa pamagitan ni Engr Earl Bryan Monserate  hinggil sa rota ng HERT (train) at mga designated lane na daanan nito.

Dumalo rin sa pulong via zoom o internet interface ang Technical Engineer at Legal Officer ng DOST Central Office na nagpaliwanag sa kahalagahan ng hybrid train at ang mga pangangailangan nito tulad ng designated lane.

#WeHealAsOne
#MasaganangNorthCotabato
#kuyogta
#Dumaki


*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.bluehost.com - FREE website transfer..

Latest RSS Feeds



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=117398.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 www.dreamhost.com - Build your online web presence. Free website transfer and use of one-click Wordpress blog installation. Visit www.dreamhost.com

Guide: Sitemap

Fastest Web Hosting Server Provider

Tags:
 

Website Counter