Noong Disyembre 15, 1944, dumaong ang mga pwersang Amerikano sa dalampasigan ng San Jose sa isla ng Mindoro, hudyat ng pagsisimula ng kampanya ng pagpapalaya ng mga lugar sa Luzon sa kamay ng mga Hapon.
Noong Oktubre 20, 1944, dumaong sa Leyte ang hukbo ni Douglas MacArthur upang makalaya ang iba't ibang bahagi ng kapuluan sa okupasyon ng Hapon. Pagtupad ito sa pangako matapos lumikas noong 1942 na siya ay babalik. Naging matagumpay ang naging pakikipagsapalaran ng mga Amerikano laban sa mga Hapon sa bahagi ng Kabisayaan. Pinaghandaan naman nila kung paano lulusubin ang Luzo.
Sa paglusob ng mga Amerikano sa isla ng Mindoro, nahati ang dating Visayan Attack Force sa tatlong pangkat. Ito ay ang Mindoro Attack Group sa ilalim ni Admiral Arthur D. Struble, Close Covering Group ni Rear Admiral Russell S. Berkey, at ang Motor Torpedo Boat Group sa pangunguna ni Lt. Com. N. Burt Davis. Kasama rito ang 11,878 combat troops, 9,578 sundalo ng hukbong himpapawid, at 5,901 service troops sa pangunguna ni Hen. William C. Dunckel.
Dahil sa tagumpay ng puwersang Amerikano sa Mindoro, nagamit ang isla bilang lunsaran para sa mga paglusob sa Luzon. Kinilala rin ang mga pangkat gerilya na nakatulong sa paghahanda sa paglusob.
Noong 2010, nilagyan ng panandang pangkasaysayan ang pook na pinagdaungan ng mga Amerikano sa Mindoro.
Mga Sanggunian:
Agoncillo, Teodoro. 1965. The Fateful Years: Japan’s Adventure in the Philippines, 1941-1945. Tomo 2. Dalawang tomo. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.
National Historical Commission of the Philippines. 2010. “Pagdaong sa Mindoro.” National Registry of Historic Sites and Structures in the Philippines.
https://nhcphistoricsites.blogspot.com/2021/09/pagdaong-sa-mindoro.html?m=1Reports of General MacArthur: The Campaigns of MacArthur in the Pacific, 1966. Tomo 1. Dalawang tomo. Washington, D.C.: US Army Center of Military History.
https://history.army.mil/books/wwii/MacArthur%20Reports/MacArthur%20V1/index.htm#contents.
Smith, Robert Ross. 1963. Triumph in the Philippines. Washington, D.C.: US Army Center of Military History.
https://history.army.mil/html/books/005/5-10-1/index.html.
. . .
May saysay ang kasaysayan. Ikalat pa natin:
🖐 I-like at i-follow ang Project Saysay at Project Vinta
👉 Bisitahin ang
www.psaysay.org🤙 Usap tayo paano pa natin mapapalakas ang public history sa
[email protected]#pSaysay11
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=125970.0