From FB post:
Inuulit ko. Basahin mabuti ang nakasaad dito para hindi ninyo pagsisihan kung bakit kayo ay lumabag sa batas.
BAKIT KA PWEDENG ARESTUHIN SA DI PAGSUNOD SA QUARANTINE o SA PAGLABAS NG BAHAY?
1) Pagsuway at bagbalewala sa utos ng kinauukulan (Art 151 RPC-Disobedience and Resistance)
Parusa: Kulong ng 1-6 buwan, multang hindi tataas sa P100,000
2) Direct Assault
Kapag sa pagsuway mo ay nanakit, namuwersa, tinakot, at binantaan (in short, binantaan mo sila o feeling siga ka) ang tagapagpatupad ng quarantine at kaayusan gaya ng mga pulis, tanod, at iba pa
Parusa: Kulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at multa na di tataas sa P200,000
3) paglabag sa RA 11332 gaya ng:
- hindi pagsunod o pakikiisa sa pag-ulat sa mga hinihinalang may covid19 o mga bumiyahe sa may covid19 na umuwi sa inyong lugar (pagtatago at di pag-ulat ng nga kamag anak at kapitbahay na alam mong posibleng mayroon o may exposure sa covid19)
- hindi pagsunod o pakikiisa sa utos gaya ng community quarantine
- hindi pakikipagugnayan o hindi pag-uulat sa kinauukulan (o pagpapalista sa mga Brgy. at mga BHW) ng mga taong posibleng may covid19 (mga galing sa Maynila bago nagdeklara ng Luzon-wide quarantine, mga balikbayan, OFW, turista, atbp). Kasali na ang mga paggala o paglilibot ng mga ito (suspected o posibleng nagka-covid19) sa halip na maglagi sa bahay (personal home quarantine) sa loob ng 2 linggo.
Parusa: Kulong na hindi hihigit sa anim na buwan; multang mula P20,000- P50,000
4) Paglabag sa RA 9271 (Anti Quarantine Act)
- Kapag ang isang suspected at kumpirmadong may covid19 (kasali ang persons under investigation o PUI at persons under monitoring o PUM) ay inatasan na magquarantine ngunit nilabag niya ito o siya ay tumakas
Parusa: Kulong na hindi llagpas ng isang taon; Multa na mula P10,000-P50,000
*WORK from HOME and START YOUR OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.dreamhost.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=93621.0