28 pamilya, inilikas dahil sa pagbaha
By Abs-cbn TV Patrol
TAMPAKAN, SOUTH COTABATO- Inilikas ang 28 pamilya sa Barangay Lampitak sa bayan, matapos na bahain, Biyernes ng gabi.
Ayon kay Mayor Leonard Escobillo, bagamat naglagay sila ng mga barrier kontra baha sa Topland Creek, bumigay ang mga ito. Malakas ang ulan pasado pasado alas-8 ng gabi, na naging dahilan ng biglang pagtaas ang tubig sa creek at pinasok ang mga bahay sa lugar.
Sa barangay Liberty, tumaas din ang tubig doon kaya naantala ang pagtawid ng mga motorsiklo at sasakyan.
Bukod sa pagbaha, nagkaroon din umano ng landslide sa Barangay Albagan. Ayon sa alkalde, natambakan ng lupa ang barangay road doon. Pero agad silang nagsagawa ng clearing operation para makatawid ang mga residente roon.
Dahil sa sama ng panahon, inabisuhan ng alkalde ang mga nakatira sa danger zone na maging mapagmatyag sa paligid. Ipagbigay alam agad sa barangay o sa LGU ang mga pangyayari paa maaksyunan. Kung kinakailangang magsagawa ng preemptive evacuation, gawin na ito bago mapahamak.

Glemarie Rose Mosqueda

*WORK from HOME and START your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE website transfer
3 Sites Will Make Your Life Easier During Covid Pandemic
www.nordvpn.com - Browse the Internet fast and anonymously and without trace. Unlock blocked sites.
www.kaspersky.com - Download Kaspersky anti-virus to secure your smartphones and laptops. Protect your privacy and financial data from hackers.
www.microsoft.com - Store all your files in the cloud with Microsoft OneDrive's 1TB storage offer.
rss feedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=115349.0