Author Topic: Fake News on LTO Student Permit via NC 2  (Read 415 times)

mikeortegaligalig

  • INTERN
  • **
  • Posts: 980
    • View Profile
Fake News on LTO Student Permit via NC 2
« on: December 08, 2019, 01:53:19 PM »
Press Release
LTO:  NC-II bilang Student Permit (SP) requirement, isang Fake News

Quezon City, Philippines--Nilinaw ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na isang fake news ang kumakalat na Facebook (FB) post ukol sa pangangailangan ng National Certificate (NC) II sa pagkuha ng Student Permit (SP), at pareho lamang ang ibibigay na exam para sa Non Professional at Professional.

Ayon sa LTO, MALI AT IRESPONSABLE ang naturang post.

Totoong may pagbabago sa proseso ng pagkuha ng Student Permit at lisensya. Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 10930, ang batas na nagpapahaba ng bisa ng lisensya at nagbibigay-parusa sa mga aksyon na lumalabag sa pag-isyu at aplikasyon nito, at sa Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Inatasan ng batas ang LTO na gumawa ng mga prerequisites, at gabay upang masiguro na mga karapat-dapat na aplikanteng drayber na may karampatang kakayahan at kaalaman sa road safety at proper road courtesy lamang ang mabibigyan ng lisensya. Ito ay para iangat ang kalidad ng paglilisensya sa mga karapat-dapat na drayber sa ating bansa, at upang masiguro ang kaligtasan sa mga lansangan at maiwasan ang disgrasya sa daan.

Sa ngayon, inaayos na ng Ahensya ang mga detalye na magiging gabay sa pagpapatupad ng batas.

Maglalabas ng anunsyo ang Ahensya ukol sa mga naturang pagbabago.

Maaaring ma-download ang batas at ang IRR nito sa lto.gov.ph

* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>> http://inv.re/9o3vp



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=91750.0

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: