Karumal-dumal ang sinapit ng isang pamilya sa lalawigan ng CagaÂyan de Oro mula sa kamay ng kaibigang kanilang inamÂpon, nang tadtarin ang mag-asawa at kanilang dalaÂwang musmos na anak, bago ihinulog sa septic tank.
Ayon kay Sr. Insp. Rechie Yandog, hepe ng Police Station 7 ng CagaÂyan de Oro, nadiskubre ang kalunus-lunos na sinapit ng isang pamilya dakong alas-10:45 ng umaga kahapon.
Kinilala ang minasaker na pamilya na si Christopher Lastimosa, 34; misis na si Sumagang, 34; at mga anak na sina Christian, 8, at Chamlie, 6, pawang reÂsidente ng Zone 4, Agong, Bgy. Canitoan, CDO.
Sinabi ni Yandog na pinutol ang magkabilang braso ng padre de pamilÂyang si Christopher bago pwersahang ihinulog sa septic tank at isinunod ang asawa at dalawang anak nito.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Philippine National Police na nadiskubÂre lamang ang krimen nang magtungo sa bahay ng pamilÂya Lastimosa ang isa sa mga kaanak nila, dala na rin ng pagdududa na walang sumasagot sa cell phone ng mga biktima siÂmula pa nitong nakalipas na Lunes.
Dito umano tumambad ang mga tuyong patak ng dugo sa kusina ng bahay ng pamilya Lastimosa at nang sundan ay natunton ang butas na septic tank na kinalalagyan ng mag-anak.
Naaresto naman ang suspek na si Arman AboÂyin, 18, na nakikituloy lang umano sa bahay ng nasabing pamilya.
Narekober sa pinangyaÂrihan ng krimen ang dalaÂwang kutsilyo na duguan, isang itak at shabu paraphernalia.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=58162.0