MAHIGIT P99K NA HALAGA NG HINDI SERTIPIKADONG PRODUKTO SINIRA NG DTI 12 SA HARAPAN NG PUBLIKO!
Sinira at winasak ng Department of Trade and Industry DTI-12 ang humigit P 99,000 na halaga ng mga produktong nakitaan ng paglabag sa standard requirements sa harapan mismo ng kanilang opisina sa Gensan Drive, Koronadal City ngayong araw mula sa ginawang Special Inforcement ng ahensiya noong nakaraang November 8-9, 2021.
Kabilang sa mga hindi sertipikadong produkto na sinira ang mga wires , sanitary ware, Christmas lights, monobloc stool, mga Led TV, blender, electric fan, stove at mga led lamps
Ayon naman kay DTI-12 acting assistant Regional Director Rictoniel Reginio, ang mga nakumpiskang mga produkto ay galing sa limang mga ware houses sa probinsya ng South Cotabato na sumailalim sa mga legal na paglilitis at inatasang magmumulta ng P25,000 kada produkto.
Dagdag pa ni Reginio, ang pagsira at pagwasak ng mga hindi sertipikadong produkto ay magsilbing mahigpit na babala sa lahat na mga business sectors na kailangang sumunod sa Philippine standard o (PS) at Import Commodity Clearance (ICC) upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili.
Matatandaan, sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines naatasan ang DTI Bureau of the Philippine Standard (BPS) na pangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pamantayan sa paggawa ng mga produkto.
Sa ngayon, patuloy ang selebrasyon ng Consumers Welfare Month ng DTI XII sa buong buwan ng Oktobre na may temang, "Sustainable Consumerism in Digital Age!"
Amor R. Musico
Radyo Natin 101.3 FM Isulan
Sama-sama tayo Pilipino!

Ctto PIA Sultan Kudarat
Get FREE 1024GB of cloud storage at
www.terabox.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=123248.0