CEBUANA LHUILLIÈR NAGBUKAS KAHAPON SA SHARIFF AGUAK
Isa na namang sangay ng Cebuana Lhuillier ang binuksan kahapon ng umaga na pinasinayanan ng unang ginang ng bayan ng Shariff Aguak na matatagpuan sa national highway ng Barangay Poblacion I.
Ang pangalawang sangay na ito ng Cebuana Lhuillier ay nagpapakita na ang mga "investor" ay tiwala sa lokal na pamahalaan dahil sa mahusay na pagpapanatili nito ng kapayapaan at kaayusan mula ng manungkulan ang magiting na Mayor Engr. Marop Ampatuan.
Nitong mga nakaraang mga buwan ay binuksan din ang J&T Courier na siyang higit na ikinasiya ng mamamayan ng Shariff Aguak at ng mga kalapit na mga bayan.
Inaasahang dadagsa pa ang mga negosyante na maglalagak ng puhunan sa umuusbong bayang ito sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Maguindanao.
#ASENSOShariffAguak
news.mikeligalig.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122592.0