Author Topic: Davao Fault Moves  (Read 316 times)

mikeortegaligalig

  • INTERN
  • **
  • Posts: 986
    • View Profile
Davao Fault Moves
« on: December 16, 2019, 02:32:57 PM »
By PIA Region 11
PHIVOLCS Dir. Renato Solidum on GMA NEWS TV:
Re: Lindol sa Davao del Sur
-Magkaibang fault ang kumilos kahapon. Magkaiba ang pinanggalingan ng mga lindol.
-Iyong ibang fault ay mahaba at may mga sanga. Ibig sabihin ay related, pero iyong nangyaring serye ng paglindol sa Cotabato, magkakalapit ang mga fault doon kaya nang gumalaw iyong una ay nailipat ang stress/pressure sa kapitbahay kaya pinagsimulan ng lindol at naitulak ulit ang isa pang fault kaya tuluy-tuloy sa loob ng dalawang linggo na apat na may magnitude na 6 ang nangyari.
-Itong sa Davao Del Sur na nangyari ay malapit ito, although, hindi magkadikit. Titignan pa namin kung naapektuhan ang fault na ito sa pagkilos noong October. Sa haba ng fault na ito, isa po ito sa candidate na puwedeng magdulot ng major earthquake na nangyari kahapon na malakas.
-On intensity 7: Ito iyong destructive shaking.
-Binubunggo ang Southern Mindanao sa tatlong direksyon.
-Puwede natin sabihin na base sa haba ng fault at GPS data kung ano iyong magnitude na puwedeng ipakawala ng bawat fault.
-Kailangan nating iwasan na magtayo ng bahay sa fault kasi kapag bumitak, mabibitak din ang bahay. Kung mahina ang bahay, babagsak sa pag-uga. Kailangang markahan ng LGU ang dinadaanan ng fault para hindi na tayuan ng mga bahay na puwede namang tamnan ng mga puno o lagyan ng parke para masiguradong wala nang magtatayo ng mga bahay. Dapat may political will ang ating LGUs para gawin ito.
-Ang ating mga geologist, ang maglalagay ng marking (kung saan ang fault).
-Tignan po sa app na nai-develop  ng DOST-PHIVOLCS, kasama ang ibang ahensya, ang HazardHunterPH. Makikita roon kung gaano kayo kalayo sa fault at ano ang iba't ibang related na panganib, like weather, ang tatama sa lugar na puwedeng paghandaan.
[pia-ts/ad]

* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>> http://inv.re/9o3vp



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=91882.0

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: