6IB Nakarekober ng Ilang Matataas na Kalibre ng Baril At Pampasabog
Datu Piang, Maguindano del Sur - Ilang matataas na kalibre ng baril at mga pampasabog na pagmamay-ari ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Bangsamoro Freedom Fighter (BIFF) at teroristang ISIS ang narekober ng mga tropa ng 6IB sa isinagawang limang araw na operasyon laban sa nasabing mga grupo mula sa tubigang bahagi ng Brgy Pandi at Brgy Pindeten sa Munisipyo ng Datu Salibo, Maguindano del Sur noong October 03, 2022.
Bilang bahagi ng Brigade Operation ang 6th Infantry “Redskin” Battalion ay nagsagawa ng pagtutugis sa mga teroristang grupo kasunod ng pag-ulat ng mga residente sa mga di umanoy pinupugaran ng mga armadong rebelde sa naturang lugar. Agad namang rumesponde ang mga kasundaluhan ng 6IB upang matugunan ang sitwasyon.
Nang ginalugad ng mga tropa ang pinaniniwalaang pinagkukutahan ng mga rebeldeng grupo, sila ay nakarekober ng 16 IED (hand thrown grenade), 1 RPG (homemade), 1 kilong black powder, 36 improvised blasting cap, 1 IED pressure, 2 RPG HE, 1 RPG HEAT, mga bala at mga importanteng kagamitan ng nasabing rebeldeng grupo.
Pinuri naman ni COL ORIEL PANGCOG, Brigade Commander ng 601st Bde, 6ID, PA ang Redskin Troopers at nagpapasalamat sa publiko sa kanilang kooperasyon at agarang ulat sa mga terorista.
Ayon kay LTC Manansala nais parin nitong hikayatin ang mga Violent Extremist na sumuko at magbalik loob sa gobyerno upang sa gayo’y makapamuhay sila ng mapayapa at makasama ang kanilang mga pamilya.
#AFPyoucanTRUST
#MapayapangMaguindanao
#RedskinBattalion
* * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=123136.0