Isang high school student ang nasawi makaraang uminom ng lason nang hiwalayan umano ng kanyang nobyo kamakalawa sa Malabon City.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Mary Jane Dela Cruz, 16, estudyante ng Malabon National High School at residente ng Bernadeth St., Hulong Duhat, Malabon City.
Batay sa ulat, bandang 4:50 ng hapon nang makita ang biktima ng kanyang kuya na si Alvin, 20, na nakahandusay habang bumubula ang bibig sa ikalawang bahay na naging dahilan upang dalhin sa naturang pagamutan.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=49618.0