dah nganong ni BJ tangtang nuon ang roska... hehe
Dalawang buwan na oobserbahan ngayon ang isang 16-anyos na dalagita makaraang malunok nito ang hikaw sa kanyang dila sa lalawigan ng Davao.
Sa salaysay ni Gng. Pinky Rodriguez, ina ni Lalaine Joyce Rodriguez, 16, ng Digos City, Davao, pinagalitan nito ang anak na si Joyce dahil sa pagpapalagay nito ng hikaw sa dila, pasado alas-tres ng hapon, na agad namang tinanggal ng biktima ngunit nagkulong umano sa silid nito.
Gayunman, hindi umano nito napansin na ibinalik pala ng anak ang hikaw at natulog.
“Nahimout ko niini kay kinigmata naa na daw nagbabag sa iya totonlan, mao na diay, aritos nga gisulod na pod [nainis ako sa kanya (anak) kasi pagkagising kinabukasan may nakaharang na raw sa lalamunan niya, ayon na pala, ang hikaw na sinuot ulit],†ang pahayag ni Gng. Pinky.
Agad namang dinala sa doktor ang biktima subalit bago pa tuluyang nakarating sa pagamutan ay nalunok na nito ang hikaw base na rin sa resulta ng x-ray nito.
Inihayag pa ng ginang na 2-buwan ang binigay na palugit sa kanila ng doktor para mailabas ang hikaw.
“Dalawang buwan ang binigay na palugit ng doktor, kung ‘di talaga madala sa pagdumi ay ooperahan ang anak ko,†paliwanag pa ng ginang sa kanilang lengguwahe.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73306.0