Repost from FB
BREAKING NEWS - Treasurer ng barangay, arestado matapos ipusta sa manok na pula ang P275,000 na pondo ng barangay at natalo sa sabungan sa San Isidro sa Iriga City, Camarines Sur; kinilala ang treasurer na si Gabriel Vargas; nagtungo sa police station si Vargas para ireport na naholdap umano siya; nirebyu ng mga pulis ang video footage na kuha sa CCTV sa lugar na sinabi ni Vargas, nakitang tatlong beses siyang dumaan dito; nagduda ang mga pulis sa pahayag ni Vargas na dapat isang beses lang siyang napadaan sa lugar; nakita si Vargas sa footage na may kausap sa cellphone, may lumapit sa kanya na lalaki at pinukpok siya ng bato sa ulo; natumba si Vargas at nawalan ng malay; hinuli ng mga pulis ang lalaking namukpok kay Vargas na
si Jimmy Padayao at agad naman itong naaresto; inamin ni Padayao sa mga pulis na binayaran umano siya ni Vargas ng P5,000 para palabasing nabiktima ito ng holdap; inamin ni Vargas na dalawang beses siya natalo sa sabong nang pumusta siya sa manok na pula at ang naturang halaga ay pangsahod sana sa mga empleyado ng barangay; kakasuhan si Vargas ng obstruction of justice at kasabwat nito.
Book online travel tickets in Asia, Australia and New Zealand at:
https://12go.asia/?z=3467325Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=91099.0