By RMN News
Breaking News!
DOH12, kinumpirma ang unang kaso ng 'patient under investigation' o PUI sa rehiyon!
General Santos City - Sa health advisory na inilabas ng Department of Health sa Region 12 na may isa nang PUI o 'Person Under Investigation' sa rehiyon na naka-confine ngayon sa isa sa mga ospital sa Soccsksargen region.
Ayon sa DOH12, kinuhanan na ng samples ang PUI at ipinadala na ito sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM para sa confirmatory test. Nilinaw ng DOH na PUI pa lang ang pasyente at hindi pa nagpositibo sa 2019 novel coronavirus.
Dagdag pa ng DOH12, hindi dapat magpanic sa PUI, mas mahalagang i-practice ang tamang hygiene at panatilihing malusog ang pangangatawan para iwas sa anumang sakit.
* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>>
http://inv.re/9o3vpLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92119.0