Press Release
CONG. JOSE “PINGPING†TEJADA SUPORTADO ANG “FOOD SECURITY PROGRAM†NI GOB. NC
Amas, Kidapawan City – Nagpakita ng suporta si 3rd District Representative Cong. Jose “Pingping†Tejada sa programa ng Probinsya ng North Cotabato na pinangunahan ni Gob. Nancy Catamco sa usaping Food Security.
-
Kanina ay inilunsad ang Food Security Program sa Shrine of the Holy Cross, Brgy. Nueva Vida, Mlang sa pamamagitan ng pagtanim ng 106 na mga puno nga Prutas, kasabay sa pagdiriwang ng ika-106 na anibersaryo ng lalawigan ng North Cotabato.
Sa talumpati ng butihing Congressman, nasiyahan ito sa nasabing aktibidad. Ang pagkakaroon umano ng Pandemya ay isang uportunidad ng Gobyerno para tugunan ang tawag ng panahon, lalong-lalo na sa programang agrikultura.
Ipinaalam din ng Congressman ang kalsadang ginagawa papasok sa Shrine ay nagmula sa pundo nito sa Kongreso. May mga imprustruktura pa umanong gagawin para sa pagpapalago sa lugar na maimplimenta ngayong taong 2021. Dagdag pa nito na ang naturang Shrine umano ay simbolo ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng Mlang tungo sa kapayapaan at paglago ng bayan. Magagawa lamang umano ito sa pamamagitan ng pakipagtutulongan nga lahat, mula sa Barangay, Municipyo at ng Provincial Government sa pamamagitan ni Gob. Nancy Catamco.
Masaya rin si Cong. Tejada dahil ika-27 na taon na ito sa kanyang pagserbisyo sa Probinsya ng North Cotabato.
Nasiyahan naman si Gob. Catamco sa presensya ng Congressman, at ng proyektong ginawa nito tulad ng sementong kalsada papasok ng Shrine, na noon ay napakahirap akyatin ngunit ngayon ay napakadali nang puntahan ang naturang lugar. “Tayo ay masaya dahil sa ating selebrasyon panahon ng pandemya, dala nito ay ang ating pagkakaisa,†dagdag pa ng Gobernador.
Kanina ay nagtanim ng 106 na puno ng prutas si Gob. Nancy Catamco kasama si Cong. Tejada. Kabilang sa nagtanim ng mga prutas sina Mayor Russel Abonado, Vice Mayor Lito Pinol, Gen. Capulong, Major Maquilan, BFP, PNP.
Nasa aktibidad din si BM Krista Pinol, BGen. Roberto Capulong, Col. Michael Maquilan, PAATSDD Head Josephine Abellana, OPAG Head Sustines Balanag, PEO Head Jun Duyongan, Sangguniang Bayan ng Mlang, at mga Barangay Chairman.

*WORK from HOME and START your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE website transfer
3 Sites Will Make Your Life Easier During Covid Pandemic
www.nordvpn.com - Browse the Internet fast and anonymously and without trace. Unlock blocked sites.
www.kaspersky.com - Download Kaspersky anti-virus to secure your smartphones and laptops. Protect your privacy and financial data from hackers.
www.microsoft.com - Store all your files in the cloud with Microsoft OneDrive's 1TB storage offer.
rss feedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=115611.0