Author Topic: Bodyguard of Kapa Founder Nabbed  (Read 570 times)

mikeortegaligalig

  • INTERN
  • **
  • Posts: 979
    • View Profile
Bodyguard of Kapa Founder Nabbed
« on: December 03, 2019, 01:37:17 PM »
Nagpakilalang bodyguard ni Kapa
Founder Pastor Joel Apolinario, nahuli sa checkpoint dahil sa dala nitong mga hindi lisensyadong baril

By: Cheche Diabordo, abscbn news

Davao City - Inaresto ng Bunawan Police Station si Edilberto Naupan, 44 taong gulang taga Bislig Surigao del Sur alas 9 Martes ng umaga.

Matapos itong makuhanan ng .45 Caliber Pistol pero walang maipakitang mga dokumento, nakunan rin ang suspek ng mga bala ng iba't ibang baril.

Papasok sana ng Davao City si Naupan galing Surigao City, nang mahuli nang mga otoridad matapos itong dumaan sa checkpoint ng Task Force Davao at Bunawan Police Station.

"Wala siyang maipakitang papeles sa kanyang dalang baril, ng e-check natin ang kanyang sasakyan nakuhanan rin siya ng mga bala ng bala, at maraming pera, nagpakilala rin siyang bodyguard ni kapa Founder Pastor Joel Apolinario," ayon kay Police Major Noel Villahermosa, station commander ng Bunawan Police Station.

Narecover mula sa sasakyan ng suspek ang labing tatlong bala ng .45 caliber pistol, limang box na may lamang 77pcs ng bala ng .22 long rifle.

May dala ring walong bundles na tig 500,000 si Naupan na nagkakahalaga lahat ng 4,000,000.00 million pesos.

Dagdag ni Villahermosa, pay out daw d umano ni naupan ang nasabing pera mula sa KAPA Investment Scheme.

Sinubukan din umano ng suspek na bayaran si Police Corporal  Alicer CaƱete na bibigyang ng 6,500.00 para hindi na siya hulihin.

Sa ngayon ay nasa kustodita na ng Bunawan Police Station ang suspek.

Inaalam din ng Bunawan Police sa NBI XI kung kasama si Naupan sa mga humaharap ng kasong syndicated estafa.

* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>> http://inv.re/9o3vp



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=91675.0

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: