By Gil Aman
People's Journal
ISANG 35-anyos na ginang na madalas pagmalupitan ang kanyang 12-anyos na anak na lalaki sa pamamagitan ng pagkadena sa mga paa nito ang inaresto ng mga elemento ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Luisiana police sa Sta. Cruz, Laguna.
Halos apat na buwan bago bumagsak sa kamay ng pulisya ang ginang na kinilala ni Laguna PNP provincial director Sr. Supt. Manolito Labador na si Rose Faller, residente ng Bgy. San Buenaventura, Lusiana, Laguna.
Sa bahay mismo ng nakatatanda nitong kapatid na babae sa Bayside, Bgy. Bagumbayan, Sta. Cruz, naaresto ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA-7610 (child abuse).
Base sa ulat ni Chief Insp. Celso Palad, hepe ng Lusiana police, kay Labador, nabatid na halos noong buwan ng Enero ng taong kasalukuyan ay may ilang magkakahiwalay na insidente ng pagmamalupit bukod sa mga pahirap ang nararanasan ng biktima.
Ang bata ay itinago sa pangalang Josua.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=19566.0