Press Release
SERBISYO CARAVAN SA NAGKAKAISANG ADHIKAIN PARA SA COTABATEÑOS SA BARANGAY LANAO KURAN, ARAKAN
Arakan, North Cotabato (Oct 22, 2020)
Puno ng saya, siksik sa programa at matagumpay ang pagbisita ni Governor Nancy Catamco kasama ang nga ahensya ng pamahalaan at pormal na pagbukas ng End Local Communism and Arm Conflict (ELCAC) program sa Lanao Kuran, Arakan ngayon araw.
Sinabi ng Gobernador na kasama niya ang suporta ni Pangulong Duterte sa araw ng kanyang pagpunta sa Lanao-Kuran "mao ning ania ang mga ahensya kauban naku nga maghatud og programa ug suporta arun mapalambo ang barangay." Ipinaliwanag rin ng Gobernadora na napabilang sa programa ng ELCAC ang pagkonkreto sa mga kalsada at pagtugon sa priority projects nila.
Nakatanggap ng iba't ibang tulong ang aabot sa 480 pamilya ng barangay. Nagdala ang tanggapan ng Gobernador ng food packs at mga pananim: narra, apitong, coconut at vegetable seedlings at abono. Naipamigay na rin sa sampung magsasaka ang siyam na baka at isang kalabaw kasama ang mga pagsasanay sa mahusay na pagsasaka. Mayroon ding mga buntis kits, bitamina at ilang inidoro para sa palikuran.
Sa panig ng LGU, sinabi ni Mayor Rene Rubino
na labis nyang pinapasalamatan ang suporta ng Probinsya at mga ahensya ng pamahalaan para sa sampung barangay na saklaw ng ELCAC.
Ibinahagi ni Brgy Chairman Edgar Cabrera na dati ay sobrang malayo ang gobyerno sa pakiramdam ng Lanao Kuran dahil sa mga sirang kalsada, walang malinis na tubig inumin at suportang pangkabuhayan.
"Nausab na sab ang panan-aw sa katawhan sa gobyerno gumikan kay niabot na ang hinabang ug programa sama niining ELCAC," ayon kay Cabrera.
Dumaan na rin sa maraming insidente ng bakbakan ang Lanao Kuran, pinakamatindi umano nung nakalipas na 2018 nang mag enkwentro ang ang tropa ng pamahalaan at mga NPA. "Gikalipay na namu ang kausaban nga amung nabati gumikan sa ELCAC program.," sabi ng Barangay Chairman.
Kasama nang Gobernador ang mga ahensya at opisyales na nagdala ng kanya kanyang programa ang NICA RD Eduardo Marquez, PHIC Dr. Hector Xenon Malate, DILG EO 70 Focal Person Ian John Clemente, CHED XII Renz Anthony Sumapal, DILG PD Ali Abdullah, NCIP PD Eric Raz, DAR NCot Charise Paña, DTI Geneva Alpaz, DSWD XII Ryan Balanza, NHA Engr Ronel Gaum, TESDA PD Norhaya Acas, DPWH Roger Oducayen, Ms Vita Gumahad at mga kawani at Opisyales ng MLGU Arakan.
#wehealasone
#MasaganangNorthCotabato
#kuyogta
#Dumaki

*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.
Latest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116440.0