pagkahayahay gajud aning mga tawhana...
Mukhang maagang gagraduweyt sa paglalabada ang 49-anyos na pinakabagong solo-milyonarya ng 6/45 Mega Lotto.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general maÂnager Ferdinand Rojas II, nahagip ng solo winner mula sa Naga City ang kumbinasyong 10-26-07-45-17-14 na binola noong Setyembre 21.
Naiuwi nito ang total jackpot prize na P24,901,660.80. Plano ng winner ng bumili ng bahay at lupa, magsusubi para sa edukasyon ng isang anak at mamamahagi rin sa kanyang mga kapatid. Kahapon lang nito nakuha ang kanyang premyo sa tanggapan ng PCSO.
Samantala, isang 75-anyos na retired governÂment official naman ang nag-uwi ng halos P51 milyon matapos manalo sa 6/42 Lotto na binola noong Lunes ng gabi.
Nakuha ng winner mula sa San Andres Bukid, Maynila ang kumbinasyong 21-15-10-04-23-09 na may total jackpot prize na P51,241,667.40
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=55486.0