Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: 6-anyos ni-rape ng bisita  (Read 797 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
6-anyos ni-rape ng bisita
« on: June 13, 2013, 09:38:06 AM »
Hindi akalain ng mga magulang ng isang batang babae na sa loob ng kanilang tahanan na iniisip nilang ligtas ang kanilang anak ay doon pa ito mapapahamak matapos itong pagsamantalahan ng kanilang bisitang kaibigan kamakalawa ng tanghali sa Caloocan City.

Kinilala ng Women and Children’s Protection Desk ng Caloocan City Police Sub-Station 2 ang suspek na si Ely Diaz, 40, biyudo, construction worker, at residente ng Letre, Malabon City, samantalang itinago ang biktima sa pangalang Nina, 6, ng Caloocan City.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-12:30 ng tanghali nang dumating galing sa eskuwelahan ng biktima na hatid-sundo pa ng kanyang ina upang mailayo sa anumang kapahamakan.

Dumiretso umano sa silid ang paslit upang magbihis bago magtanghalian. Pag-akyat ng bata sa silid ay agad umano nitong hinubad ang kanyang damit at binuksan ang tukador upang kumuha ng maisusuot na pamalit. Laking gulat umano ng bata nang pagsara niya ng tukador ay nakita niya ang suspek sa kanilang kama at agad siyang hinablot ng suspek at sinimulang gawan ng kahalayan hanggang sa tuluyang gahasain.

Matapos umanong maisagawa ang pangri-rape ay bumaba sa sala ang suspek na tila walang nangyari.

Bago pa man tawagin ng mga magulang ang bata upang kumain ay nagpaalam umano si Diaz na uuwi na.

Nagtaka umano ang ina ng biktima na hindi bu­mababa ang kanyang anak at hindi rin ito sumasagot kaya’t nagpasya na siyang akyatin ito.

Pag-akyat ay nakita niya ang kanyang anak na nakatalungko sa kama at walang saplot kung saan ay umiiyak ito.

Agad niyang tinanong kung may diperensya ang bata ngunit umiling lamang ito at nang mabihisan ay saka isinalaysay ng biktima ang panghahalay na inabot sa suspek.

Dumulog naman sa pulisya ang mag-ina upang ipagharap ng reklamo ang suspek na naaresto sa isinagawang follow-up operation nina PO1 Jeffer Francjim Fagayan at PO1 Luem Gonzales na tumanggi sa alegasyon ng biktima.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o rape ng RA 7610 o (Protection Againts Child Abuse) ang suspek kung saan ay walang piyansang inirekomenda sa Caloocan City Regional Trial Court (RTC).



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73358.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts