normal_post - Arrested in North Cotabato Drug Ops - Philippine Provinces Author Topic: Arrested in North Cotabato Drug Ops  (Read 108 times)

mikeortegaligalig

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 435
    • Share Post
clip - Arrested in North Cotabato Drug Ops - Philippine Provinces
Arrested in North Cotabato Drug Ops
« on: December 11, 2019, 05:25:04 PM »
By Radyo Bida NDBC
Bilang ng mga nahuli dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga sa probinsya ng North Cotabato, abot sa halos 300 ayon sa PNP

NORTH COTABATO - Abot sa 292 mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga ang naaresto sa North Cotabato mula sa 287 mga police operations na isinagawa ng PNP sa iba’t-ibat mga bayan at lungsod sa probinsya.

Ito ang ibinahagi ni Cotabato Police Provincial Office o CPPO Provincial Director Col. Maximo Layugan sa isinagawang Joint Provincial Peace and Order Council Meeting sa Amas, Kidapawan City kahapon.

Ang nasabing bilang ay pasok mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon, mula sa isinagawang anti-illegal drugs operation kung saan karamihan dito ay mula sa mga na-operate ng mga local police stations sa lalawigan.
Habang abot naman sa 287 din ang nasampahan ng kaso  ng pulisya.

Dagdag pa sa ulat na sa nasabing operasyon, may kabuuang humigit dalawang daang gramo ng shabu ang kanilang nakumpiska o may katumbas na halaga na Pph 1, 825, 500 habang mahigit dalawang libong gramo naman ng marijuana ang kanilang nakuha o may katumbas na halaga na Php 256, 560.

Ang nasabing street value ay nakabatay sa taya ng Dangerous Drugs Board o DDB.

Samantala, magpapatuloy naman ang isasawang monitoring ng PNP upang tuluyan nang matuldukan ang problema sa iligal na droga.

Matatandaang sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency of PDEA 12, abot na sa mahigit 400 mga barangay sa buong probinsya ang ideneklarang ligtas na sa droga.

* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>> http://inv.re/9o3vp



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=91791.0



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via twitter
 

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2020, SimplePortal