Best Top WordPress Blog Website Hosting

Ang Bahay Ay Pwede Ibalik, Buhay Hindi

  • 0 replies
  • 326 views
*

caretaker

  • *****
  • 28317
  • click buttons for social media share
Ang Bahay Ay Pwede Ibalik, Buhay Hindi
« on: October 24, 2020, 07:54:16 PM »
Press Release: GOB. NANCY: "ANG BAHAY AY PWEDE IBALIK, ANG BUHAY AY HINDI. KAYA INGAT AT MAGING LISTO TAYO SA PANAHON NG TAG-ULAN."

(Oktobre 24, 2020) - Bakas ang galak sa mukha ng mga bakwit ng masilayan na nila si Governor Nancy A. Catamco, dala ang tulong mula sa probinsya. 41 ka pamilya ang ngayon ay nasa covered court ng Barangay New Bulatukan, Makilala. Doon sila nagsilikas dahil sa malakas na pagbaha ng putik na may kasamang mga malalaking bato at kahoy sa Bulatukan River noong Oktobre 20, 2020 ng hapon.

Bigas, sardinas, noodles, Jerry Cans, at isang malaking tangkeng pwedeng pag imbakan ng tubig para sa mga biktima ang dala ng Gobernador. Nangako rin syang magpapadala ng tulong medikal tulad ng mga doktor, gamot, at bitamina. Lalo na at maraming bata ang nasa evacuation site.

"Walang problemang walang solusyon. Naririto po ako, kasama ko ang inyong Alkalde, mga opisyales at kawani ng pamahalaan. Handa po kaming tumulong sa inyo," ang pahayag ni Gov. Catamco.

May mga nagbigay rin ng tulong tulad na lamang ng Sky Radio 98.3, lokal na pamahalaan ng bayan ng M'lang, at Gama Epsilon Gama Lambda Epsilon (Phi Sigma Chapter). May dala rin silang mga damit at pagkain para sa mga bakwit.

Nagbilin rin ang Gobernador na dapat ay wag pababayaan ang mga batang maglaro sa ulan at ilog. Pati na rin na dapat ay laging maging handa, tulad na lamang ng pagkakaroon ng mga bag na may lamang mahahalagang kagamitan. "Wag na po nating isipin muna ang ating mga kabahayan. Tutulong po kami upang maibalik sa inyo yun. Ang bahay ay pwedeng ibalik, ang buhay ay hindi," aniya.

(PGO Media Team)

#WeHealAsOne
#MasaganangNorthCotabato
#KuyogTa
#Dumaki


*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.

Latest RSS Feeds



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116466.msg687879#msg687879
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

👉👉 www.dreamhost.com - Build your online web presence. Free website transfer and use of one-click Wordpress blog installation. Visit www.dreamhost.com

 

Truly powered by blazingly fast Servers, Windows 2012 OS & Latest ASP.Net tools