1 PATAY, 3 SUGATAN MATAPOS MAKURYENTE SA TACURONG CITY,SULTAN KUDARAT
Patay si Robert Lee Mallorca,20 anyos matapos itong makuryente Miyerkules ng gabi ,Setyembre 14,2022 sa 3rd Block ,Tamea Village, Barangay New Isabela,Tacurong City,Sultan Kudarat.
Sugatan naman sina Rey Dominic Mercado, Harry O.Demafeliz Jr., at Jayhar O.Demafeliz na residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa pamilya ng biktima, umihi umano ang biktima sa labas ng kanilang bahay at hinawakan nito ang bakod na gawa sa cyclone wire kung saan may linya ng kuryente ang nakadikit dito mula sa isang poste.
Agad namang tumulong ang kanyang mga tiyuhin upang makabitaw ang biktima sa cyclone wire ngunit pati sila ay nakuryente din.
Sa ngayon ay nagpapagaling na sa ospital ang mga sugatang biktima at nananawagan naman ng tulong ang pamilya ni Mallorca.
news.mikeligalig.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122959.0