Naaresto ng pinagsaÂnib na puwersa ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 at Apalit Pampanga Police kamakalawa ang apat na suspek sa pagdukot at pagpatay sa 20-anyos na talent at model habang isa pang suspek ang nasawi matapos makipagpaÂlitan ng putok sa mga awtoridad habang inaaresto sa Muslim Compound, Culiat, Quezon City.
Kinilala ni QCPD District Director Mario dela Vega ang mga suspek na dumukot sa biktimang si Julie Ann Rodelas, talent/model ng ABS-CBN, na si Fernando Quiambao at ang nobya nitong si Althea Altamirano na sinasabing siyang nag-set up sa biktima upang dukutin sa Pasay City.
Nang maaresto si Quiambao ay inginuso nito ang dalawa pang suspek na sina Gelan PaseÂwilan, 28, at Jaymar Waradge, 22, na siyang dumukot sa biktima gamit ang isang itim na Montero (TWO-505) at pagkaraan ay itinapon ang bangkay ng biktima sa Cubao, QC, na tadtad ng bala sa katawan. Nasawi naman ang isa pang suspek na alyas Bob Usman, matapos makiÂpagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang inaaresto.
Ayon kay Dela Vega, naging susi sa imbestigasyon ng Task Force: Rodelas ang resibong nakita sa isang plastic bag mula sa isang food chain sa Ermita, Manila kung saan ay nakakuha ng CCTV footage ang Task Force na pinamumunuan ni Sr. Insp. Virgilio Carodan, na kinilala na si Quiambao ang bumili ng pagkain sa nasabing food chain.
Naging susi rin sa ginaÂwang imbestigasyon ng mga awtoridad ang umano’y pag-amin ng ilang kapitbahay ni Altamirano na may iringan ang dalawa dahil sa kabila ng pagtulong ni Altamirano sa career ng biktima ay patuloy umano siyang sinisiraan nito sa mga kaibigan.
“It appears that AltaÂmirano had a grudge against the victim for spreading in their circle of friends gossip that Altamirano had borne two children and she complained to her boyfriend (Quiambao) to teach her a lesson,†ani Dela Vega.
Kaya naman noong Nobyembre 5 ay niyaya ni Altamirano na manood ng sine sa Mall of Asia at makaraan nito ay dumiretso sila sa isang spa sa D. Macapagal Avenue kung saan ay mayroon umano silang kakatagpuin na movie produÂcer subalit lingid sa kaalaman ng biktima ay ipapadukot na pala ito sa mga inupahang tauhan ng boyfriend.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong kidnapping at murder laban sa apat na suspek.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=57451.0