The Top 20 Signs That You're Watching A Pinoy Movie
1.Sasayaw sa likod ng puno ng buko pag nasa beach yung scene. Alternate pa
yung mga ulo nila.
2.Yung kontrabida yayakap sa bida, sabay taas ng kilay at ngingisi.
3.Ang pancit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pancit sa
kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata
para kumain, at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng
pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng
baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at sisigaw ang bida ng
“Inaaay!� at mangangakong ipaghihiganti ito. Moral lesson: Ang pancit,
nakakamatay.
4.Pag may magkaribal na babae, yung mabait diretcho ang buhok at may bangs.
Yung salbahe, laging kulot.
5.Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.
6.Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng
bala ng kalaban.
7.Kapag may angry mob na pupunta sa bahaykubo ng manananggal, si Vangie
Labalan ang laging lider.
8.Alam mong moment of truth na ng bida kapag sinabi na niya yung title ng
pelikula.
9.Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, “Mga bata.�
10.Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro ng bola, mabibitawan
at mapupunta sa gitna ng kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos
itutulak siya ng bida. Yung bida naman ang nasa gita ng kalsada. Biglang
may sasakyang darating. Ang bida, ico-cross lang niya arms niya covering
his face tapos sisigaw yung kapatd ng ‘kuyaaa!’. Next scene nasa ospital na
sila. Simula na ng drama.
11.Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag
ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene.
12.Kapag may sinabi ng kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang
sasabihin ng bida: “hayop ka!�
13.Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong magiging anak ng amo
niya sa ending.
14.Ang nanay ng mayaman laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay ng
mahirap laging naka duster.
15.Ang hideout ng kontrabida, parating mansion na may chicks sa pool.
16.Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may
pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagsa-slide
dahan-dahan pababa, tapos todo iyak with matching uhog.
17.Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga
inutil!�
18.Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan
niya.
19.Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak ng amo
niya.
20.Pag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach o resort, ang
huling frame, tatalon ang buong cast…sabay freeze.
kamo? unsa pa?
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=17401.0