Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Kwela Nobela : Chapters 54 - 55  (Read 1409 times)

delay

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 62
    • View Profile
Kwela Nobela : Chapters 54 - 55
« on: February 27, 2010, 06:49:57 PM »
Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 54

(other location)
(homeless shelter)

< Ann > : homeless shelter Tupe? sa tingin ko hindi naman magpupunta dito si Anton eh
(kumuha sila ng tray)
< Christoper > : Ann, lahat ng posibilidad kailangang gawin natin … plus nagugutom na ko
(kukuha ng pagkain)
< Kitchen Lady > : hmm mukhang bago lang kayo dito ah, itong pagkain sa harapan mo ay salad na may pira-pirasong retaso ng boxer, at katabi nyan ay buto ng abokado, na may konting laman ng abokado na nakadikit pa … so, anong kukunin mo
< Christoper > : yes, nag-iisip pa ko kung itong tirang spaghetti na inihagis sa lumang dyaryo, o kaya naman itong fried chicken, na korteng katawan ng tao

(after finishing their meal on the table)

< Christoper > : (sumigaw) wow! ang sarap talaga ng pagkain dito grabe! pang-normal na tao woo!
< Ann > : (awkward face)
< Christoper > : ngayong tapos na nating kainin tong nakakadiring pagkain, kaisa na tayo nila
< Ann > : ganun ba yon?
< Christoper > : (agreeing gesture) … ah manong, manong na mabantot
< Ann > : Tupe!
< Christoper > : wag kang mag-alala, kaisa na tayo nila (then wink)
< Manong > : …
< Christoper > : hinahanap kasi namin tong kaibigan namin … (showing picture) Anton ang pangalan nya, nagpupunta po ba sya dito?
< Manong > : hmm, kilala ko lahat ng nagpupunta dito, hindi ko pa nakikita ang isang to
< Christoper > : ganun po ba
< Manong > : oo, kung ako sa inyo sumubok na lang kayo ng ibang lugar
< Ann > : tara na Tupe habang maaga pa
< Christoper > : ah manong, bago kami umalis … pwede po bang gumupit ng kapiraso ng buhok nyo, pang-souvenir
< Manong > : (awkward face, then smile) o sige
< Christoper > : nice! teka lang po (kumuha ng gunting)
< Ann > : ... dito banda Tupe walang uban
< Christoper > : gusto ko nga yung may uban

(other location)
(school bench)

< Mia > : kamusta naman paghahanap nyo … nakita nyo na ba sya?
< Ann > : hindi pa nga eh … kapag naaalala ko lang kasi itsura ng Mommy ni Anton nung lumapit sa kin, parang obligado akong tulungan talaga sya kahit paano
< Mia > : God kayo ni Christoper parehas kayo ng ugali … ako kaya, kapag nawala, hahanapin nyo rin ba ko?
< Ann > : busy ako, wak ka na
< Mia > : …
< Ann > : tara na, magsisimula na pala next subject natin
< Mia > : hala! nawawala saklay ko!
< Ann > : huh? teka, hanapin natin
(school bell rings)
< Mia > : wala talaga! male-late na ko sa next subject
< Ann > : pano ka makakarating sa room mo?
< Mia > : (gumapang sa sahig) kailangang, gru-maduate

(other location)
(classroom)

< Ann > : (nagsusuklay ng buhok)
< Christoper > : Ann may kwento ako
< Ann > : ano
< Christoper > : high school reunion, nagkita-kita yung magkukumpare nung high school ang sabi nung isa, pare panganay ko nakatapos ng doktor, mayaman na at binigyan ng BMW X5 ang syota nung birthday nito … sabi naman nung pangalawa, yung panganay ko engineer, binigyan yung syota ng house and lot nung anniversary nila … tapos may dumating na isa pa, kinamusta sya ang sabi … eto, naghihirap pa rin pero masaya na rin dahil ang anak ko umasenso na … may nagtanong, ba’t ano ba natapos ng anak mo? … ang sagot nya, wala eh, bakla sya … ano kinatutuwa mo dun itinanong ng isa … sumagot sya, kasi binigyan sya ng bmw at house and lot ng mga boyfriends nya
< Ann > : nice!
< Christoper > : (tumatawa)
(then gumagapang papasok ng classroom si Mia)
< Mia > : … (hingal) nandito na ba si Sir?
< Christoper > : wala absent, hindi yata pumasok ngayon
< Mia > : good, makakapagpahinga pa ko … nakakapagod kasi mula first floor hanggang fifth floor
< Ann > : Paul, pumayag ka na kasing tulungan na kita
< Mia > : Ann, hindi papayag pride ko na humingi ng tulong mula sa isang babae … hindi ako ganun, pero kung bubuhatin ako ni Christoper
< Christoper > : busy ako, wak ka na (nag-suklay ng buhok)

(other location)
(outside the school gate)

< Christoper > : … ba’t may mga media dito?
< Elvis > : kinokober yata yung balita tungkol sa misteryosong kubeta na may nakakalat na mga tae sa school natin

--- end of Chapter 54 ---

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 55

(other location)

< Reporter > : at nandito po tayo ngayon sa eskwelahan na kung saan matatagpuan ang misteryosong kubeta na may nakakalat na mga tae, dyan po, nakikita nyo po … istrikto po kasi sa ngayon ang eskwela na magpapasok ng mga reporters kaya tanungin na lang natin ang mga lokal na residente malapit sa naturang school
< Man > : balita ko po sa kakilala kong nagtratrabaho dyan, nakakaadik daw kainin yung mga tae na matatagpuan sa mismong kubeta na yon
< Reporter > : pano mo namang nasabing, nakakaadik kainin yung mga tae?
< Man > : oras na makakain ka daw, hahanap-hanapin na ng katawan mo yung mga tae sa misteryosong kubeta na may nakakalat na mga tae … kaya siguro naging misteryoso ito, kasi, balita ko hindi daw nauubos mga tae doon
< Reporter > : mga kaibigan, hawak ko sa ngayon ang statistic report na, ilang mga estudyante na nga ang naaadik, sa pagkain ng mga tae sa naturang kubeta at patuloy pa ring dumadagdag hanggang sa kasalukuyan kaya nagsagawa na ng aksyon ang eskwela na ipagbawal na ang pagpasok sa CR na yon
< Man > : ah, may gusto lang po sana akong idagdag, pwede po ba?
< Reporter > : sige po
< Man > : nanawagan po ako kay Lord Jesus Christ, kung nanonood po kayo ngayon, kahit hindi na ko mag-asawa, one million pesos na lang
< Reporter > : ba’t ano naman ang gagawin mo sa one million pesos?
< Man > : pang-sex change operation po
< Reporter > : ihahabol ko rin tong latest update nga pala mula sa Ms. Earth pageant, ang best in gown ay napunta sa first runner-up na nakasuot ng plastic cover lang at yung naka-two piece ang nanalo, bonnet at maskara … back to you Korina

(back to Christoper)

< Elvis > : sabi nila, marami na daw naging adik sa pagkakatuklas na, iba daw yung ibinibigay na lasa at pakiramdam ng taong nakakakain ng mga tae sa misteryosong kubeta
< Christoper > : kung ganun hindi talaga tae yung mga nakakalat doon
< Elvis > : sabi sa billboard tunay na tae talaga yung mga yon … talagang pinasama lang siguro nung may gawa mga sitwasyon at ginawang kaadik-adik yung mga tae kapag kinain
< Christoper > : (natatawa) yak! yak naman yun (tawa nang tawa)
< Elvis > : seryoso ito
< Christoper > : (tumatawa pa rin) yakis!
< Elvis > : ang sama nga eh, siguro yung salarin, nakaimbento ng pampaadik na ingredient sa pagkain … pero ginamit muna sa mga tae sa kubeta
< Christoper > : (tawa pa rin nang tawa)
< Elvis > : mukhang engot to
< Christoper > : (habang tumatawa) natatawa lang ako sa mga estudyanteng naadik sa pagkain ng mga tae … biruin mo tae, tae kinakain nila, at adik na adik pa sila HAHAHAHA!!!

(back to the Reporter)

< Reporter > : at mukhang may hinihilang estudyante papalayo sa eskwela, tanungin natin kung anong nangyayare
< Mia > : iihi lang ako!
< Security Guard > : bawal ngang pumasok don!
< Mia > : iihi lang ako!
< Reporter > : mamang gwardya, ba’t nyo po hinihila papalayo tong batang to?
< Security Guard > : eto, nakita naming gumagapang papasok ng CR na yon
< Mia > : iihi lang ako sabe!
< Security Guard > : ba’t ba ang tigas ng ulo mo, bukod sa bawal pumasok sa CR na yon, panlalakeng CR yon! kaya bawal!
< Mia > : lalake naman talaga ako eh! promise to God
< Security Guard > : bawal nga eh!

(back to Christoper)

< Elvis > : ang tibay din ni Mia, ilang beses nang pinagsasabihan ayaw pa ring paawat
< Christoper > : kuryentihin yan!!!
(‘bzzt---!’)
< Mia’s voice > : aah---!!!

(other location)
(Christoper’s house)

< Christoper > : (making a phone call) hello, pwede po kay Mia?
< Mia’s voice > : ito na nga baket
< Christoper > : hello Paul, sabi mo sasama ka, kanina ka pa namin hinihintay
< Mia’s voice > : kayo na lang ang maghanap, may gagawin pa ko
< Christoper > : ba’t anong gagawin mo?
< Mia’s voice > : … kakaen
< Christoper > : kakaen? tamang-tama, dyan na rin kami nila Rex kakain sa inyo
< Mia’s voice > : kakain ako sa labas
< Christoper > : kakain sa labas? sama kame
< Mia’s voice > : hindi na
< Christoper > : si Ann naman magbabayad eh
(nagbago boses)
< Demon voice > : WAG NA SABE!!! BA-BYE NA!!!
(hang-up)
< Christoper > : …

--- end of Chapter 55 ---

FOR ALL COMPILATION click here
http://shortfilmcoming.forumotion.net/forum.htm

continuation once a week
enjoy people

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=25834.0

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

delay

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 62
    • View Profile
Re: Kwela Nobela : Chapters 54 - 55
« Reply #1 on: February 27, 2010, 06:51:13 PM »
... i-share ko lang tong video

nangawit talaga bagang ko dito sa kakangiti nung napanood ko to

"Poker Face" a cappella - UCB Noteworthy 11/13/09

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=25834.0

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts