Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Kwela Nobela : Chapters 74 - 75  (Read 802 times)

delay

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 62
    • View Profile
Kwela Nobela : Chapters 74 - 75
« on: November 22, 2010, 03:24:34 PM »
Short Film Coming : Negative One
"Ang Pagbabalik"
Chapter 74

(other location)
(subtitle … IRAQ)

< IRAQ soldier > : (dubbed) … nung simulang ipalabas dito ang telenobelang dinoborsyo ko lola ko, nagkaroon ng kapayapaan ang bansang IRAQ … lahat halos ng mga sundalo, nagsisiuwian muna makapanood lang ng dinoborsyo ko lola ko … dati, 30 minutes lang itong ipinapalabas sa TV araw-araw kaya, 30 minutes din araw-araw nagkakaroon ng ceasefire ang bansang IRAQ … ngayon, dahilan na rin sa nag-uumapaw na ratings, 24 hours na itong ipinapalabas sa TV araw-araw … hinihintay na lang ng bawat kampo na matapos ang final season ng telenobela para magsimula ulit kaming mag-gera

(other location)
(back to the telenobela)
(hospital room)
(someone enter)

< Trinidad > : Anton! hindi pa tapos sa atin ang lahat!
< Lola and Anton > : ..!
< Trinidad > : (kumuha ng baril sa purse) walang pwedeng maging masaya Anton, walang pwedeng maging masaya!
< Anton > : Trinidad! itigil mo yan!
< Trinidad > : mamatay kayo!

(wide shot camera angle)
< Trinidad > : (tumakbo sa tapat ni Anton) … huwag---!!!

(close-up, near the door)
< Trinidad > : (pulled the trigger)
(‘bang!’)

(close-up, near Anton)
< Trinidad > : uh! (nabaril)

(close-up, near the door)
< Trinidad > : hinde, hinde … hindi ko sinasadya

(close-up, near Anton)
< Trinidad > : (bumagsak)
< Anton > : … Trinidad, iniligtas mo ko sa, sarili mo

(close-up, near the door)
(lumulutang yung baril, wala nang may hawak and then nahulog sa sahig)

(normal view)
< Trinidad > : (dying) Anton, gusto ko lang malaman bago ako mamatay … bakit ka lumayo sa piling ko? bakit?
< Anton > : … nagtampo kasi ako sayo non nung minsang maghirap tayo, natatandaan mo, ibinenta mo ko sa matandang hapon na Yakusa para lang sa isang speed boat
< Trinidad > : hindi totoo yan
< Anton > : isang speed boat Trinidad, galit ako non, sa Yakusa mo pa ko naisipang ibenta, isang buong gangster silang gumamit sa kin ... pinanganga nila ako habang inilalabas nila sa kin lahat ng sperm nila, sperm nila! bukkake yata tawag don, google search mo na lang ... para lang sa isang, speed boat mo
< Trinidad > : hindi totoo yan, walang speed boat Anton, isang S.U.V. na sasakyan lang ang natanggap ko
< Anton > : pero ibinenta mo pa rin ako, na parang isang sakong patatas … isang kilong asukal … isang plastic ng chichirya ...
< Trinidad > : tumigil ka na Anton parang awa mo na, ginugutom mo lang ako … Anton, importante na malaman mo rin na, ang SUV na sasakyan na yon, meron itong zero percent interest payment … sayang ang pagkakataon kaya kinuha ko agad ang monthly plan na yon
< Anton > : …
< Trinidad > : bata ka pa nga talaga Anton, hindi mo pa alam ang kahalagahan ng SUV with zero percent interest payment
< Anton > : (lumuha)
< Trinidad > : mahal ko … maging, masaya sana kayo … ng, Lola mo … uh (patay)
< Anton > : (crying silently) Trinidad

< Guy Narrator’s voice > : magiging masaya pa kaya sila Anton at ang kanyang Lola? samahan muli si Anton, sa pagpapatuloy ng telenobelang dinoborsyo ko lola ko para sa pagganap bukas na pi-namagatang
(print on screen as well)
- KINAIN KO …
- TAE KO …
- SA MAY INODORO

< Anton > : hinde---!!! (may dugo ang kamay then iyak kay Trinidad)

< Guy Narrator’s voice > : kinain ko … tae ko … sa may inodoro … bukas na, abangan

(other location)
(kindergarten school)
(interviewing children)

< Ann > : tignan ko nga mga name tag nyo … wow ang ganda naman ng mga decorations
(everybody laughing)
< Ann > : kayo, nanonood ba kayo ng telenobelang dinoborsyo ko lola ko?
< Everybody > : opo
< Ann > : talaga? sige nga, ikaw Marilyn, bakit ka nanonood?
< Marilyn > : (ngumiti lang then nagtago)
< Ann > : naku, nahiya si Marilyn … eto na lang, ikaw Joel, bakit ka nanonood ng dinoborsyo ko lola ko? nanonood ka ba lagi non?
< Joel > : (nodding yes)
< Ann > : bakit?
< Joel > : paborito kasi ng Mommy ko … lagi kaming nanonood sa gabi
< Ann > : talaga? wow naman … ikaw naman Teresa, gusto mo bang manood lagi non?
< Teresa > : opo
< Ann > : sinong paborito mong character?
< Teresa > : (nag-isip) … si Lola, si Lola po
< Ann > : si Lola … eh si Anton? paborito mo rin ba sya?
(biglang nag-drama sa tapat ni Ann)
< Teresa > : halikan mo ko apo, gaya nung dati (and then bow)
< Ann > : wow, yehey (pumalakpak si Ann)
(everybody clapping as well)
(tapos hinalikan ni Joel si Teresa sa pisngi)
< Ann > : ang ku-cute naman ng mga batang to
(fading screen)
(end of film)

(other location)
(temporary subtitle)

LUNAR ECLIPSE
JUDGEMENT DAY

(Christoper’s room)
(Christoper is writing)

< Christoper > : Dear diary, masaya ako at napapalibutan ako ng mabubuting kaibigan
(‘ring!’ ‘ring!’)
< Christoper > : hello? o Dad
(swipe screen)

(Ann’s room)
(Ann is typing on her laptop)

< Ann > : …
(‘e-mail’ sound)
< Ann > : o! si Ma’am
(showing the screen)
(a honeymoon place picture of her teacher in abroad)
< Ann > : (smiled)
(swipe screen)

(Anton’s kitchen)
(Anton is cooking … and he is miserable doing it)
(naka-pink na dress ulit)

< Anton > : … di naman talaga ako matututo nito eh (iyak)
(‘ding dong’ … doorbell ringing)
< Anton > : (nagpunas ng luha)
(‘ding dong’ ‘ding dong’)
< Anton > : (pinatay yung kalan at umalis na)
(swipe screen)

--- end of Chapter 74 ---

Short Film Coming : Negative One
"Ang Pagbabalik"
Chapter 75

(airport)
(Christoper’s Dad and his grandfather on a wheelchair is looking for Christoper)

< Christoper > : Dad!
(his Dad approach him)
(flash! … wheels of a train is suddenly seen and heard)
< Christoper > : Dad ako na po
(help his grandfather push the wheelchair)
< Dad > : kamusta na nga pala yung film contest na sinalihan mo? nanalo ka ba anak?
< Christoper > : yes Dad, cash prize ang napalanunan namin
< Dad > : o ano naman ginawa mo sa pera mo
< Christoper > : ni-request ko na lang sa grupo ko na ibigay na lang yung cash prize para sa pagpapagamot ni Lola sa ospital ... ang bait nga nila eh, lahat sila pumayag
< Dad > : buti naman kung ganun
< Christoper > : nung una hindi makapaniwala si Lola Ingrasia, niloko ko kasi nung una
(flash! … wheels of a train is suddenly seen and heard)
< Christoper > : ah Dad, nasan na po si Mama?
< Dad > : nauna na sa bahay, miss ka na daw nya
(flash! … wheels of a train is suddenly seen and heard)
< Christoper > : (noticed something)
(‘choo!’ ‘choo!’)
(si Christoper ay nasilaw sa sobrang liwanag na tumutok sa kanya)

(other location)
(Ann’s living room)

(‘ring!’ ‘ring!’, ‘ring!’ ‘ring!’)
(flash! … wheels of a train is suddenly seen and heard)
(pumunta si Ann doon at sinagot yung telepono)
< Ann > : hello?
(flash! … wheels of a train is suddenly seen and heard)
< Ann > : Ma’am! kamusta na po buhay may asawa?
< Ma’am’s voice > : eto masayang-masaya, gusto ko sana kitang aanyayahan sa bahay pagbalik namin dyan sa Pilipinas
< Ann > : sige po, kailan po?
(flash! … wheels of a train is suddenly seen and heard)
< Ma’am’s voice > : marami pala kaming hindi parehas ang gusto, pero syempre bow na lang ang teacher mo
< Ann > : (noticed something)
(‘choo!’ ‘choo!’)
(si Ann ay nasilaw sa sobrang liwanag na tumutok sa kanya)

(other location)
(Anton’s house)

< Anton > : (binuksan yung pinto)
< Mom > : Anton, niyaya ko nga pala si Vincent para sa hapunan
< Vincent > : (smiled)
< Anton > : (awkward face)
(flash! … wheels of a train is suddenly seen and heard)
< Mom > : asikasuhin mong mabuti tong bisita natin narinig mo … (then smile) Vincent, salamat nga pala sa dagdag na pinamili mo para sa akin ah
< Vincent > : wala po yon
< Anton > : Ma! isuli nyo nga mga to, hindi ba kayo nahihiya ang dami-dami nyan
< Vincent > : Anton okey lang, pinamili nga rin pala kita neto … chocolates at saka ng Playstation 3
(flash! … wheels of a train is suddenly seen and heard)
< Mom > : halika Vincent tuloy ka, pagplanuhan natin kasal nyo ni Anton
< Vincent > : (napangite then tingin kay Anton)
< Anton > : (awkward face)
(flash! … wheels of a train is suddenly seen and heard)
< Anton > : (noticed something)
(‘choo!’ ‘choo!’)
(si Anton ay nasilaw sa sobrang liwanag na tumutok sa kanya)

(other location)
(riles ng tren)
(showing a train is moving really fast)
< (close-up) Mia > : …
(showing a train is moving really fast)
(si Mia pala ay nasa gitna ng riles)
(showing front of a moving train)
< Mia > : … (tumingin lang sya sa liwanag)
(‘choo!’ ‘choo!’)
(tumutok yung liwanag kay Mia)

(other location)
(Ann’s house)
(Ann, Christoper and Anton is watching quietly the news on the couch)

< Christoper > : sino ba namang matinong tao ang titigil sa gitna ng riles

(on TV)

< Witness > : sumisigaw yung mga tao, umalis ka dyan! umalis ka dyan! pero ang sabi nya natatae na daw sya kaya dun sya tumae
(while showing in the background, Mia is dead and the paramedics are surrounding Mia)

(back to them)
< Christoper > : (noticed something)

(on TV)
(all the people is surrounding Mia’s dead body while the soul of Mia in white dress hug Paul, also in white and seems happy)

(other location)
(Ann’s room)
(there’s someone sitting on top of Ann’s bed … only the back is seen and he’s wearing a black hood)
(showing the radio beside him and push play and then he left the room)

--- end of Chapter 75 ---

FOR CHAPTERS 1 - 73 click here
http://shortfilmcoming.forumotion.net/forum.htm

continuation once a week
enjoy people



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=34606.0

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

delay

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 62
    • View Profile
Re: Kwela Nobela : Chapters 74 - 75
« Reply #1 on: November 22, 2010, 03:25:45 PM »
KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na
kumalat ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa tatay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=34606.0

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts