Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Kwela Nobela : Chapters 60 - 62  (Read 913 times)

delay

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 62
    • View Profile
Kwela Nobela : Chapters 60 - 62
« on: August 08, 2010, 02:39:24 PM »
Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 60

(other location)
(going to Rex’s house … inside the car, Ann is driving)

< Christoper > : may mantsa na naman damit mo … nakakain ka na naman siguro
< Mia > : nakakain ng alin?
< Christoper > : ng mga tae sa may misteryosong kubeta
< Mia > : hala! wala akong alam sa sinasabi mo, hindi ako kumakain ng mga yun ah! nabalitaan ko lang pero sa tingin ko kalokohan lang kainin yon
< Christoper > : nagdi-deny ka pa, ikaw nga tong nagsimulang mag-impluwensya sa mga estudyante na kainin yung tae sa misteryosong kubeta na yon
< Ann > : (habang nagda-drive) ikaw Mia yung nagsusulat sa mga pader ng cubicle na tikman nyo ang tae sa misteryosong kubeta na may nakakalat na mga tae at siguradong magugustuhan nyo, ikaw yun?
< Mia > : malay ko! kababalik ko lang
< Christoper > : eh kaya naman pala! kagagawan lahat ni Mia! ba’t mo naman tinuruan yung mga estudyante na maging adik kumain ng tae?
< Ann > : bakit ba, ano bang nangyayare?
< Christoper > : karamihan sa mga estudyante sa school ngayon, naadik na sa kakakain ng tae sa misteryosong kubeta
< Ann > : yak---
< Mia > : yak naman yun! maliligo na muna ako ng sariling ihi ko bago ako maging adik kumain ng mga tae
< Christoper > : eh ikaw nga tong unang tumikim ng mga tae don, tapos nandamay ka pa
< Mia > : ano!? kumain si Mia ng tae!? yak---
< Christoper > : tanungin mo si Ann
< Mia > : (tumingin kay Ann)
< Ann > : (nodding yes)
< Mia > : yak--- … pwede kayang sindihan yun tapos sisinghutin
< Christoper > : ang baho nun sobra … kahit siguro nakakaadik kainin yon, wag na lang

(other location)
(Rex’s house)
(may lamay)

< Tiya > : o Tupe, buti napadalaw ka ule, tuloy kayo ng mga kaibigan mo
< Ann > : condolence po Tita
< Christoper > : ah Tita si Rex po?
< Tiya > : kasama ni Anton yata nung nakita ko … kumain muna kayo

(lamesa)
< Mia > : ang daming handa ah … Tupe, paki-abot nga nung burger sa tapat mo
< Christoper > : (binigyan) dito muna kayo, hahanapin ko lang sila
< Mia > : o sige
(Christoper leaves)
< Ann > : … ang ganda naman ng pendant mo Mia, ba’t parang ngayon ko lang nakita
< Mia > : ah eto … hindi kasi akin to
< Ann > : kanino ba yan?
< Mia > : (habang kumakain) hindi ko rin kilala eh

(before)
(at the end of the long bridge)
(a shapeless shadow is standing)

< Mia’s voice as Narrator > : natatandaan mo di ba yung tulay kung saan nagko-cross ang daan? meron kasi akong nakasalubong don tapos tinanong kung tatawid daw ako, sinabi ko oo tapos ibinigay nya sa kin tong pendant nya
(the shapeless shadow give the pendant then disappeared)

(back to them)
< Mia > : sabi rin nya, ito lang daw kasi pinakaimportanteng nangyare sa buhay nya, pakibalik na lang daw sa may-ari nito kung pupwede
< Ann > : naka-lock to ah, sino daw may-ari nyan?
< Mia > : (‘ewan ko’ gesture) basta na lang sya nawala bigla
(close-up … locket)
< Ann > : (kumain na rin)
< Mia > : alam mo ba na, malalaman mo kung kailan mamamatay ang isang tao depende sa bitemark nya?
< Ann > : (napangite) san mo naman natutunan yon?
< Mia > : sa kabilang mundo … katulad na lang ng kagat ko, sinasabi dito na …
(enter Christoper)
< Christoper > : (kumuha ng pagkain) kumain na kayo?
< Mia > : nakita mo na mga kaibigan mo
< Christoper > : nasa CR daw si Anton, tatawagin na lang tayo ni Rex

(may dalawang pipi na nag-uusap ng totoong sign language and then tumawa mga to)
< Christoper > : … (napansin yung mga pipi tapos tumingin kay Mia)
< Mia > : (napangite)
< Ann > : baket?
< Mia > : ewan ko dito kay Tupe
< Christoper > : hala! kumakain lang ako dito
< Rex’s voice > : Tupe, nandito na sa labas si Anton
< Christoper > : tara na mga men
(habang naglalakad)
< Christoper > : nakita mo yun? (nakangite)
< Mia > : oo nga eh, nag-gagaganun sila tapos tumawa, hahahaha
< Ann > : ang sama ng mga to, syempre pipi
< Christoper and Mia > : (natatawa)
< Ann > : tumigil nga kayo, hindi nyo ba alam masama ginagawa nyo ngayon
< Christoper > : sila nga tong masama eh, baka sinasabi nila, (doing fake sign language) ma-nga u-to-u-to tong ma-nga to, ka-la ma-ru-nong ta-yo, tig-nan mo, nag-pa-pa-ni-wa-la si-la
< Mia > : (doing it also) o-o nga
< Christoper and Mia > : hahahaha!
< Rex > : ba’t kayo tumatawa
< Ann > : pinagtatawanan nila yung mga pipi doon
< Rex > : wala na naman kayong magawa

--- end of Chapter 60 ---

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 61

(other location)

< Anton > : …
(normal na ang damit ni Anton … naka-jacket)
(enter Ann, Christoper and Mia)
< Christoper > : Anton, tinatawagan kita sa cellphone mo ah, hindi mo sinasagot
< Anton > : di mo ko matatawagan talaga, may nang-holdap kasi sa kin ng simcard ko sa labas ng trabaho
(text alert sound)
(then inilabas ni Anton yung cellphone nya)
< Christoper > : akala ko ba naholdap cellphone mo
< Anton > : hinoldap yung simcard ko, simcard lang kinuha … nagmakaawa nga ako pati cellphone kunin pero ayaw nya

(before)
(night … parking space)

< Anton > : (sasakay na sana ng motorbike)
(a holdaper approach Anton)
< Holdaper > : holdap to! (tinutukan ng baril)
< Anton > : (nagtaas ng kamay)
< Holdaper > : holdap to akina simcard mo!
< Anton > : cellphone?
< Holdaper > : simcard mo akina!
< Anton > : cellphone, o eto (binigay cellphone tapos taas ulit ng kamay)
< Holdaper > : bingi ka ba? simcard lang sabe!
< Anton > : kunin mo na pati cellphone
< Holdaper > : pinatataas mo pa karma ko! … (kinuha yung simcard tapos ibinalik ulit yung cellphone) o cellphone mo! wag kang susunod kunde
(then tumakbo na)
< Anton > : …

(not far)
< Holdaper > : (still in mask … inilagay yung simcard then) … hello? eto ba si Manay Lolit? oo, may scoop ako sa inyo, si Piolo at si Sam Milby, nagdi-dinner deyt ngayon sa tagong restaurant … oo nga eh, sila na yata

(back to them)
< Mia > : Tupe, sya ba si Anton?
< Christoper > : oo nga pala … Anton yung dati naming kaibigan ni Ann, si Paul
< Mia > : kamusta pare (handshakes Anton) … Mia na lang itawag mo sa kin
< Anton > : (awkward face) o-key
< Ann > : matagal ka na naming hinahanap Anton, lalo na Mommy mo, nag-aalala na talaga sya sayo
< Anton > : hindi na ko babalik don, simula ngayon, ang gagawin ko na lang eh, yung kung saan ako mas masaya (tapos nagsindi ng sigarilyo) … (humithit) ‘cough!’ ‘cough!’ ganito ba lasa nito? (nilabas dila nandiri) elk
< Ann > : …
< Anton > : (hithit ulit) ‘cough!’ ‘cough!’ (isang matinding ubo) ‘cough!!!’ (hinga ng malalim) sa kung, saan, ‘cough!’ ‘cough!’ ako, ‘cough!’ mas masaya (then sunud-sunod na ubo) ‘cough!’ ‘cough!’ ‘cough!!!’
< Christoper > : okey ka lang pare
< Anton > : (nodding yes) pero hindi na muna to ngayon ‘cough!’ (tinapon sigarilyo sa lupa tapos tinapakan)
(pagkapatay ng sindi)
< Mia > : … (pupulutin sana yung sigarilyo)
< Christoper > : (seryoso … pinigilan si Mia) Mia! wag mong kakainin yan!
< Mia > : hindi ko kakainin yan! ... imagination neto sobra (dadamputin sana ulit)
< Ann > : Mia, alam kong gutom ka pa pero wag mong kakainin yan
< Mia > : hindi ko kakainin sabe! titignan ko lang yung bitemark!
< Ann > : …
< Mia > : (dinampot tapos tinignang mabuti)
< Christoper > : (hinawakan bigla kamay ni Mia) akina yan! wag mong kakainin yan wag mong kakainin yan!!!
< Mia > : hindi ko kakainin yan!!!
(biglang umiiyak at lumuluha si Ann)
< Ann > : Mia!!! wag mong kakainin yan! (iyak) … Anton! pigilan mo sila!!!
< Anton > : …
< Mia > : ano bang problema mo!!! (ayaw ibigay)
< Christoper > : akina yan sabe! ibigay mo na!!!
< Mia > : bitawan mo ko! ano ba!!! (sinuntok sa mukha si Christoper)
< Christoper > : (bagsak sa sahig)
< Anton > : (nagulat)
< Ann > : Mia---!!! (iyak)
< Mia > : … (tinignang mabuti yung sigarilyo … tapos kinain)
< Christoper > : …
< Mia > : (ngumuya tapos nilunok)

(other location)

< Mia > : (nagkakalkal ng basura)
(not far)
< Ann > : Tupe, sa sobrang pagmamahal siguro ni Paul kay Mia, hinayaan nyang si Mia na lang ang mabuhay sa mundo nato … ngayon ko lang syang nakitang naging masaya
< Christoper > : masaya nga ngayon si Paul Ann, masaya nga sya ngayon
(kumakalkal ng basura si Mia)
< Anton > : opo sir, ba-bye (then inoff yung cellphone) … pano, kayo na lang siguro bahala kay Mia … tumawag boss ko, kailangan ako para mag-deliver ng package, sige Tupe pagpaalam mo na rin ako kay Rex sa loob

--- end of Chapter 61 ---

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 62

< Christoper > : teka Anton, talagang lalayo ka na ba, sa, dati mong buhay?
< Anton > : kailangan pare, para maka-rekober na rin ako siguro sa pagkamatay ng Daddy ko
< Christoper > : at saka ba, para makalayo ka na rin sa Mommy mo?
< Anton > : lalung-lalo na don … (then ‘shiver’ gesture) wala na sigurong magandang dahilan sa mundo kung bakit babalik pa ko sa kanya
(enter Mia)
< Mia > : Anton pare, mag-sigarilyo ka nga ulit … mas malasa yata yung itinatapon mong sinigarilyo eh
(then nahulog nang kusa yung pendant)
< Mia > : … ay nahulog
(pinulot ni Mia and then bumukas yung pendant)
< Mia > : tignan mo Ann o, nabuksan na
< Anton > : (kinuha kay Mia yung pendant) saan mo nakuha to? (tapos nakatingin na lang lagi sa pendant)
< Mia > : hindi ko kilala yung nagbigay eh, pero mahal na mahal nya siguro yung mga taong napag-iwanan nya bago sya mawala
< Ann > : Mia, ano yung nasa pendant?
< Mia > : lumang picture yata ng isang pamilya
(showing an old picture of Anton’s Mom and Dad carrying Anton when he was a baby)
< Anton > : (lumuluha bigla, crying silently)
< Mia > : (awkward face) anong drama neto
< Anton > : (crying)
< Christoper > : (tingin kay Ann)
< Ann > : sa kanya yata yan
< Anton > : … Dad (lumuha)

(other location)
(Anton’s house)
(Anton entered the house at medyo madilim na parang walang tao then tumuloy sya sa may konting liwanag sa dinner table at nakita Mommy nya na malungkot at nakatingin sa birthday cake na may lighted candles)

< Anton > : …
< Mom > : (noticed Anton and then lumakad papunta kay Anton tapos niyakap) ano ka ba namang bata ka, pinag-alala mo ko
< Anton > : (awkward face)
< Mom > : (nagpunas ng luha) buti naman umuwi ka sakto sa birthday mo … sabihin mo, ano bang gusto mo sa birthday mo at ibibili ko, kahit na ano anak, kahit na ano
< Anton > : kahit na ano?
< Mom > : (nodding yes)

(other location)
(inside a TV studio)
(sa harap ng maraming live audiences at camera)

< Shirley > : in today show, pag-uusapan natin ang bawat problema ng kanilang ina sa kanilang anak … katatapos lang natin interviewhin sina Kristie at Brandon
(showing Kristie and Brandon)
< Shirley’s voice > : at ang kanilang problema tungkol sa tunay na sexualidad ng kanyang anak na si Brandon
< Brandon > : (galit) hindi ako bakla!
< Kristie > : (hinga ng malalim tapos iyak) huhuhuhu
< Shirley > : ngayon, kilalanin na natin ang susunod na guests

(audience clapping)
(Anton and his Mom entering)
(si Anton ay naka-pink na dress)

< Anton > : (galit) sabi mo bibili tayo ng bagong motorbike!
(umupo na sila)
< Shirley > : kamusta sa inyo
< Mom > : mabuti naman Shirley
< Shirley > : napansin ko may malaking problema ka nga sa anak mo, ano naman ang mga yon?
< Mom > : well Shirley, una sa lahat, gusto kong mag-hello sa mga dati kong ka-kosa … hello (kumaway sa camera) … ikaw rin anak, mag-hello ka sa mga pinsan mo
< (close-up) Anton > : … (galit tignan)
< Mom’s voice > : mag-hello ka sabe!!!
< Anton > : hello!!!

(Anton’s cousin’s house … there are two young ladies watching the show)
< Tina > : si Anton ba yan? bakit ganyan na sya ngayon? crush ko pa naman tong pinsan nating to
< Bettany > : ano ba yan? naka-pink na sya ngayon … nakaka-turn off

(back to studio)
< Mom > : lumaki kasi syang wala ako kaya, ayaw nyang sumunod sa anumang sabihin ko
< Anton > : hindi pa ba obvious sayo na sinusunod ko kayo! eto o! eto! tapos nagrereklamo ka pa rin! ha!!!
< Mom > : … isa rin sa mga problema ko na sinisigawan nya ko lage, I mean, tama ba yon? ina nya ko (then iyak)
< Shirley > : Anton, ba’t mo naman kasi sinisigawan ang Mommy mo … Mommy mo sya, humingi ka ng tawad sa kanya … sige na
< Mom > : huhuhuhu
< Anton > : … Ma, Mommy
< Mom > : ano! (iyak)
< Anton > : (angry face then) hindi ko naman sadya na sigawan kayo eh … naiinis lang siguro ako sa sarili ko
< Mom > : talaga? totoo yon?
< Anton > : opo, sorry na

--- end of Chapter 62 ---

FOR ALL COMPILATION click here
http://shortfilmcoming.forumotion.net/forum.htm

continuation once a week
enjoy people

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=31070.0

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts