Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Kwela Nobela : Chapters 38 - 39  (Read 1083 times)

delay

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 62
    • View Profile
Kwela Nobela : Chapters 38 - 39
« on: November 12, 2009, 08:08:19 PM »
Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 38

(other location)
(Anton's house)

< Dad > : saan ka galing?
< Anton > : (no response)
< Dad > : Anton kinakausap kita
< Anton > : (binuksan lang yung TV)
< Dad > : (pinatay TV)
< Anton > : buksan mo, nanonood ako
< Dad > : alam mo ba to? (binato kay Anton yung mga sulat)
< Anton > : malay ko dito, wala akong alam
< Dad > : over speeding ticket, na naman! saka reklamo galing kay Mrs. Rio, pinilay mo daw aso nya ng motorsiklo mo
< Anton > : kasalanan ko bang hindi marunong umilag aso nun … kasalanan pa nga nya eh, pinapabayaang, nakakalat lang
< Dad > : hindi yun Anton eh, hindi yun … pano ko ba ipaiintindi sayo na sa buhay, may responsabilidad tayo sa bawat aksyon na ginagawa natin
< Anton > : hah--- (nagtakip ng unan)
< Dad > : papano kung hindi aso lang yung binundol mo, papano kung Van, o malaking truck nasa harapan mo na! hindi iilag sayo yun, ang bilis mo pa man din magmaneho
< Anton > : … (tumayo kinuha yung susi)
< Dad > : Anton! hindi pa ko tapos makipag-usap sayo! bumalik ka nga dito!
< Anton > : … (sumakay sa motorbike nya at umalis)
< Dad > : …

(other location)
(Christoper's house)

< Christoper > : good, luto na (kinuha cake sa oven)
< Anton > : (nagdidikdik ng droga)
< Christoper > : pwede na yan, ihalo mo na sa cake
< Anton > : … hindi na ba natin uubusin yung isang plastic?
< Christoper > : hindi na, tama na yan sa ngayon … ikaw na rin magtago nyan, nakakagamit kasi ako ng isang plastic
< Anton > : gumagamit ka rin nito?
< Christoper > : tumitikim lang ako
< Anton > : Tupe, isang supot nauubos mo, hindi tikim yun
< Christoper > : kaya nga ikaw na magtago kulit … pwede na yan
< Anton > : (tinuloy na pagbe-bake) buti nakakatagal ka pa, pinaaaprubahan pa ng Daddy ko to sa BFAD
< Mom's voice > : Christoper! nasan ang gunting! panggugupit ko sa makapal na bed cover!
< Christoper > : ginagamit namin dito Ma! punta kayo dito para gupitin ko! (hawak ang gunting)
< Mom's voice > : wag na! gagamitin ko na lang ngipin ko!
< Anton > : … nasan ba Mama mo? hanggang ngayon, lumaki tayong boses lang nya naririnig natin
< Christoper > : (ewan ko gesture) … wala akong ideya kung nasan Mama ko … lumaki na lang ako na may pagkain na lang lagi sa lamesa tuwing pagkagising
< Anton > : ninja, ninja Mama mo
< Christoper > : ninja---!!!
< Mom's voice > : di ba pinalilinisan ko sayo yung mga electric fan! ha Christoper!
< Christoper > : nilinisan ko na ah! kahapon!
< Mom's voice > : kailan mo ginawa? eh ang dumi-dumi pa netong isa!
< Christoper > : kahapon! naglinis ako ng mga yan!
< Mom's voice > : sinabon mo bang mga to!?
< Christoper > : hinde
< Mom's voice > : di ba sabi ko sasabunin mo dapat! gusto mong ikaw sabunin ko! linisan mo ulit tong mga to narinig mo!
< Christoper > : (mahinang boses) mukha mo sabon
< Mom's voice > : anong binubulong-bulong mo dyan
< Christoper > : sabi ko wala na tayong pangsabon! ubos na!
< Mom's voice > : bumili ka sa tindahan pagkatapos mo dyan! kunin mo sa lamesa yung pera!
< Christoper > : gusto ko sa inyo ko kukunin yung pera!
< Mom's voice > : ang arte mo! sa lamesa! dun mo kunin ang pera!
< Anton > : … (tinignan yung oven)
< Christoper > : maluluto na ba?
< Anton > : mamaya pa … ba't nga pala natin to ginagawa kay Rex?
< Christoper > : basta lang
< Anton > : etong sobra wala akong hinalo
< Christoper > : tara kainin na natin
< Anton > : baka yung Mama mo gusto rin
< Christoper > : Ma! may cake kaming niluto dito, sabay na tayong kumain!
< Mom's voice > : sige! ilagay mo lang dyan
< Christoper > : sabay na tayo, hintayin na kita!
< Mom's voice > : kakain din ako mamaya! kumain ka na!
< Christoper > : (angry face then eat)

(other location)
(neighbor's house)

< Christoper > : … (kinakapa mukha nya ng matanda)
< Lola > : ikaw pala anak ni Tonya huh?
< Christoper > : opo
< Lola > : buti naman dinidisiplina ka ng nanay mo, mabuti yan … pero mabait na bata yan si Tonya dati kaso, hindi ko man lang nahawakan ang mukha para makilala
< Christoper > : ah La, totoo po bang may ketong kayo?
< Lola > : ketong? wala akong ketong, bulag lang ako
< Christoper > : hindi kayo nakakarinig?
< Lola > : hindi ako nakakakita Diyos ko! ereng batang to Diyos ko, kanina pa tayo nag-uusap
< Christoper > : … ang iniisip ko bata pa kayong tignan pero nagkamali ako, mas bata pa pala kayo sa personal
< Lola > : ay wag mo na kong bolahin bata ka, ginagalit mo lang ako
< Christoper > : totoo … paglaki ko nga at nag-asawa ako, gusto ko kasing ganda nyo ngayon
< Lola > : lokolokong batang ere, tatay mo siguro scientist, manang-mana sa pag-iimbento ng sinasabe … ay naku
< Christoper > : chess tayo Lola, naglalaro kayo ng chess di ba
< Lola > : ano!
< Christoper > : chess tayo, may chess ba kayo dito?
< Lola > : ano bang … alam mo bang impusibleng sinasabi mo, ay naku, may problema ka iho, walang gamot dyan baka akala mo
< Christoper > : chess tayo, sabi ni Mama nag-world champion daw kayo sa international chess competition
< Lola > : bulag ako iho bulag ako, bulag na ko simula pagkapanganak ko … so papanong makakapaglaro ako ng chess!? aber … wag mo na nga akong kulitin, magsimula ka nang maglinis sige na
< Christoper > : … (naghahanap, walang makita) lalabas lang ako sandale kukuha lang ng chess, babalik ako agad
< Lola > : hoy bata ka! nag-iimbento ka para lang pala takasan ako! wala ka pang nagagawang trabaho bumalik ka dito!
< Christoper's voice > : babalik po agad ako! kukuha ng chess!

--- end of Chapter 38 ---


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=23727.0

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

delay

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 62
    • View Profile
Re: Kwela Nobela : Chapters 38 - 39
« Reply #1 on: November 12, 2009, 08:08:43 PM »
Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 39

(other location)
(Anton's house)
(late at night … dumating na si Anton)

< Dad > : san ka galeng? gabing-gabi na ah
< Anton > : matutulog na ko (diretso sa kwarto)
< Dad > : hindi pa ko tapos sayo! bumalik ka dito!
(Anton's room)
< Anton > : … (nakahiga sa kama)
< Dad > : … Anton, hindi ko na alam ang dapat gawin sayo … binabali wala mo lang lahat ng pag-aalala ko
< Anton > : (nagtakip ng unan)
< Dad > : di ba, lagi mong itinatanong dati sa kin kung nasan ang Mommy mo?
< Anton > : wala na kong pakialam na sa kanya, matutulog na ko gusto ko nang matulog
< Dad > : Anton, hindi totoo na sinabi kong nawawala Mommy mo … in fact, gusto ka nyang makita ngayon
< Anton > : ..?
< Dad > : (binuksan yung pinto)
(may pumasok na babaeng malaki at mukhang maton)
< Anton > : …
< Mom > : eto ba anak natin?
< Dad > : Anton, sya Mommy mo, kapaparol lang nya galing sa bilangguan
< Mom > : (hinawakan damit sa ilalim ng leeg ni Anton) walang anak ko ang magmumukhang ganito! simula ngayon, maraming magbabago ngayon naiintindihan mo!
< Anton > : (natatakot) Dad, Mommy ko ba talaga sya?
< Dad > : (nodding yes)
< Anton > : hi, Ma

(other location)
(daylight)
(school gate)

< Rex > : sabi nung doktor sa tiyo ko, meron akong good news at bad news sayo … ano po yun? tanong ng tiyo ko … sinabi naman nung doktor, ang good news ay, meron ka na lang 24 hours para mabuhay … sumigaw yung tiyo ko, oh my God! totoo po ba yon!? eh ano po yung bad news pa dyan? … sumagot yung doktor, ang bad news ay, tinatawagan ka na namin simula pa kahapon
< Christoper > : (napangite)
(dumating si Elvis)
< Elvis > : nakadaan ka na ba sa first floor hallway Christoper?
< Christoper > : hindi pa
< Rex > : bakit anong meron?
< Elvis > : ang baho sobra … sabi nung ibang pumasok, puro may tae daw lahat ng dingding sa loob ng kubeta
< Rex > : ano!? hala!
< Christoper > : kanina lang ba?
< Elvis > : nasuspended ka kasi eh … last week pa yata nagsimula, kahit nililinisan daw, mayamaya may mga taeng nakakalat ulit sa loob nung kubeta … malapit pa man din sa canteen
< Rex > : (natawa) sino daw may pakana?
< Elvis > : wala pa nga daw nahuhule eh
< Rex > : talaga?
< Elvis > : oo nga pala Christoper, may assignment ba tayo sa English?
< Christoper > : hindi naman ako gumagawa ng assignment
< Elvis > : … buti pa si Anton, may alam kapag may assignment
< Christoper > : magkaklase ba kayo sa ibang subject?
< Elvis > : isa
< Rex > : speaking of Anton, napapansin ko Tupe, iba na yung mga titig mo kay Anton ngayon ah
< Christoper > : uy usapang lalake gusto ko to
< Elvis > : (awkward face)
< Rex > : alam mo pare hindi kita masisisi, yung appeal naman kasi ni Anton makalaglag panty eh
< Christoper > : nakakalaway di ba, si Anton
< Rex > : kahit kapag natatapik ako ng manggas ng damit nya, naku
< Christoper > : ay naku
< Rex > : naku kinikilig-kilig ako
< Elvis > : … anong, nangyayare
< Rex > : ikaw Elvis, magkwento ka naman tungkol sa inyo ni Anton
< Elvis > : (nagkamot ng ulo) … ano, minsan, naghihiraman kami ng mga notes ni Anton
< Christoper > : exchanging notes? ayos yan
< Rex > : nabasa ko sa teenager magazine, pagkatapos ng exchanging notes, exchanging love letters na kasunod
< Christoper > : nakakainggit ka naman, kulang-kulang kasi notes ko kaya hindi ako pinapansin ni Anton
< Rex > : ano bang pinagsasasabi mo, eh lately ikaw tong mas “bestfriend” (quotation gesture) ni Anton kaysa sa kin
< Christoper > : hindi totoo yan
< Rex > : ikaw tong mas “close”, kay Anton pagdating sa mga pribadong mga lakad nyo
< Christoper > : wala akong alam sa mga sinasabi mo
< Rex > : hindi nyo man lang ako sinasama sa mga lakad ninyong dalawa
< Christoper > : wala akong sasabihin kasi walang nangyayare okey … pero kung pipilitin nyo ko okey sige
< Rex > : (pinisil bewang ni Christoper)
< Christoper > : (natawa) ano ba---
< Rex > : ah-ah ang lan-di (pisil ulit)
< Christoper > : (natawa)
< Rex > : ang lan-di
< Christoper > : ang lan-di, graduate ng lan-di university
< Elvis > : (natawa)
< Christoper > : ikaw Elvis, mahal mo rin ba si Anton?
< Elvis > : … kung, ano siguro ang uso (then nod yes)
< Christoper > : I-kill-you
< Elvis > : (natawa)

--- end of Chapter 39 ---

FOR ALL CHAPTERS
http://shortfilmcoming.forumotion.net/index.htm


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=23727.0

delay

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 62
    • View Profile
Re: Kwela Nobela : Chapters 38 - 39
« Reply #2 on: November 12, 2009, 08:09:17 PM »
From AUTHOR's Notes

< delay > : hello readers,

just post your
reactions here
kung meron kayong
sasabihin, good or bad

mas masaya sana kung tao
mga nagbabasa, hindi ghosts

" communication is good ... comments kayo "

Facts about Short Film Coming
# 2 ... meron akong naging kaklase dati na L.V.S. ang initials kaya ang tawag namin sa kanya, Elvis

# 3 ... I got the idea of this sketch nung nasa Don Bosco pa ko ... may kaibigan kasi akong nag-aaral sa vocational school din don tapos may teacher daw silang pari na sobrang gwapo daw ... lahat ng mga estudyante nya, tinatanong daw sa kanya kung bakit sya nagpari, nakakapanghinayang daw itsura nya
... anyway, dito ko na-apply yung kwento na yon

Originally Published on ...
- January 12, 2009

(outside the church)
(may naglalakad na pari papalayo sa background … hinabol ni Ann yung gwapung-gwapong binatang pari na may hawak na biblia)

< Ann > : (kinausap camera man) eto ba yon? eto ba yung sinasabi ng mga nagsisimba?
(sinabayan sa paglalakad)
< Ann > : um, excuse me po Father
< Priest > : ..?
< Ann > : totoo po pala sinasabi nila, ang gwapo-gwapo nyo po talaga
< Priest > : (natawa)
< Ann > : ang dapat sa inyo, naggi-girlfriend … naisip nyo po ba yon?
(they stop walking)
< Priest > : iha, ang misyon ko sa buhay, ay magpayo sa maraming nangangailangan na tao patungo sa mabuting landas, masaya na ko sa ganitong paraan
< Ann > : pero Father kung papipiliin lang po talaga kayo, kunwari lang, kunwari lang, ano po ang gusto nyo pong babae? may kakilala ako na super ganda gusto nyong …
< Priest > : (nangingite … naisip biruin si Ann) o sige teka … ang gusto ko sana six footer na babae (then natawa)
< Ann > : six footer na babae? walang problema, (may kinausap na iba) palapitin yan dito
< Priest > : ..?
(may lumapit na six footer na model na babae na naka-bikini … tumabi kay Father)
< Model > : (ngumiti kay Father)
< Ann > : maganda di ba?
< Priest > : pero gusto ko foreigner (natawa ulit)
< Ann > : meron din kami, meron din kami nun … palapitin yung foreigner
< Priest > : meron din kayo?
(may lumapit na foreigner model na babae na six footer din, nakasuot ng bikini … tumabi kay Father)
< Foreigner model > : (kiniss pisngi ni Father)
< Unang Model > : (kumiss din sa pisngi ni Father)
< Priest > : (natawa)
< Ann > : sabihin mo … ayoko nang, magpari, ayoko nang magpari sabihin mo, sige na po Father
< Priest > : (nangingite) … ang pinakagusto ko sana yung, tatlo mata, may kaliskis, tapos lumilipad
< Ann > : walang problema … sige, palapitin din yan
< Priest > : hala! meron din? (tingin naman)
< Ann > : wala … joke lang, syempre walang ganun … bakit sila? magaganda naman sila ah, di ba?
< Priest > : (tinignan yung mga model tapos natatawa … then agreeing yes)
< Models > : (tumawa rin)
< Ann > : so anong opinyon nyo muna po sa pulitika ngayon?
< Priest > : ah--- (then talk about the politics but muted, just talking gestures)
< Ann’s voice as Narrator > : ang masasabi ko, promote love
(print on screen … PROMOTE LOVE)
< Ann’s voice as Narrator > : … mas may payapa kapag ganito at sigurado, hindi na sya kristyano mamayang gabi, muwahahahahahahahaha

<< Updates of new Chapters once a week >>
enjoy people

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=23727.0

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts