Dear Anak,
Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo. Pinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE. Wala na din
pala tayong baboy, naibenta na din para doon sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75. Ang mahal naman ng project na yon. Kasama din ang 7 thousand doon para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA. Anak, malayo ba yun? Mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, Isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo na ung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak, komportable ka ba dyan sa boarding house mo? Saan ba kamo yan, sa VICTORIA COURT? Maganda ba dyan, di ba mainit, Anak? Kumusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT? Napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado doon?
Anak, sana bago pa maubos ang lahat lahat ng arian natin ay maka gradweyt kana. Walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL? S ana pag graweyt mo, makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan. Ay siyanga pala anak di ba
sabi mo sa JOLLIBEE / Mc DONALD ka palagi kumakain? Ok ba naman sayo ang mga ulam dyan? Baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.
Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.
Ang nagmamahal,
Itang at Inang
P.S. Anak mag aral ka ng mabuti, ha?
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=13134.0