BATTLE OF THE BRAIN.....LESS
Cheers,
Emcee (MC) : Ano ang national animal ng Pilipinas?
It begins with the
letter K. (Kalabaw)
Brainless (BL): Kuto!
MC : Mali! Sa lupa ito gumagalaw, hindi sa ulo.
BL : Kutong-lupa?
MC : Ano ang national animal ng Australia? It begins
with the letter K.
(Kangaroo)
BL : Kalabaw!
MC : Mali! It ends with the letter O.
BL : Kabayo!
MC : Mali pa rin! Tumatalon-talon ito.
BL : Kuneho!
MC : Mali pa rin! It ends with double-O.
BL : KunehO-O?
MC : Ano ang tawag sa tagasagip sa nalulunod?
(Lifeguard)
BL : Safeguard!
MC : Mali! It begins with the letter L.
BL : Lifebuoy?
MC : Mali! Matipuno ang katawan nito.
BL : Mr. Clean!
MC : Ano ang national bird ng Pilipinas? It begins
with the letter M.
(Maya)
BL : Manok!
MC : Mali! Kulay brown ito.
BL : Pritong Manok?
MC : Mali! Maliit na maliit ito.
BL : Maggi Chicken Cube!
MC : Ano ang national flower ng Pilipinas? It begins
with the letter S.
(Sampaguita)
BL : Sitsaron!
MC : Mali! Flower sabi, hindi pagkain.
BL : Sitsarong bulaklak?
MC : Mali! It ends with the letter "A".
BL : Sitsarong bulaklak with suka!
MC : Mali pa rin! Kapangalan ito ng isang singer.
BL : Sharon Cuneta.
MC : Sino ang pumatay kay Magellan? Initials niya ay
LL. (LapuLapu)
BL : Lito Lapid!
MC : Mali! Inuulit ang pangalan.
BL : Lito Lito!
MC : Mali pa rin! First name lang.
BL : LotLot!
MC : Hindi! Mas mahaba iyon.
BL : LotLot ... and Friends?
MC : Ano ang tawag sa gamit na pang-hapagkainan na
bilog at kadalasa'y
gawa sa ceramic o porcelain at nagsisimula sa letter
P? (Plato)
BL : Platito!
MC : Mali! Mas malaki ito kesa sa platito.
BL : Palanggana?
MC : Mali pa rin! Ginagamit ito sa pagkain.
BL : Pustiso!
MC : Si Inday Badiday ay tinaguriang Reyna ng blank.
Anong blank ito and
it starts with the letter I? (Intrigues)
BL : I to I!
MC : Mali. Ito ay source ng mga away.
BL : Isnaban!
MC : Hindi. Ginagamit ito ng ibang mga artista at
producers para kumita
ng kanilang pelikula.
BL : Interview!
MC : Hindi! Ito ay nakakainis!
BL : Insekto!
MC : Sino ang unang Chess Grandmaster of Asia na
kapangalan ang isang
chess piece? (Eugene TORRE)
BL : Carole KING!
MC : Mali! Mas mababa sa King.
BL : Al QUINN?
MC : Mali. Tagalog/Spanish ang apelyido niya.
BL : Armida Siguion-REYNA?
MC : Try again. Mas mababa sa reyna.
BL : BISHOP Bacani!
MC : Mali. Mas mababa pa sa bishop.
BL : Johnny MidNIGHT!
MC : Hay, naku, mas mababa pa sa knight.
BL : Jerry Pons!
MC : Bueno, nabanggit mo na halos lahat ng chess
figures. Isa na lang
ang hindi pa at iyon na iyon!
BL : Ah, si Sylvia La Torre!
MC : Ano'ng flotation device ang ginagamit sa dagat
upang hindi ka
malunod na nagsisimula sa letter S? (Salbabida)
BL : Sirena?
MC : Mali! Hindi ito babae!
BL : Siyokoy?
MC : Mali pa rin! Hindi ito lalaki!
BL : Siyoke!
MC : Saan binaril si Jose Rizal? Nagsisismula sa
letter B. (Bagumbayan)
BL : Sa back!
MC : O, sige. Pwede na rin na sa L nagsisimula ang
sagot. (Luneta)
BL : Likod?
MC : Hindi pa rin. Para mas madali, RP and initials
ng modern name
ngayon. (Rizal Park)
BL : Sa rear part!
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=5227.0