'Natutulog sa pansitan'

Started by kan-ogong, September 08, 2010, 01:01:52 AM

Previous topic - Next topic

kan-ogong

SIMULA na ng buwan na may “ber” at kapag ganitong panahon aktibo na ang mga grupo na may “per” â€" holdaper, kidnapper, carnaper at iba pang may “per”. Banta na naman sila sa kaligtasan ng mamamayan. Ngayon, mas lalong malalakas ang loob ng mga k******n sapagkat kahit establisimentong nasa loob ng mall ang nanakawan, kaya nilang pasukin at limasin ang laman. At nagagawa nila ito dahil ang mga pulis ay natutulog sa pansitan. Bago pa makatunog o makaramdam ang mga pulis, nakatakas na ang mga k******n tangay ang malaking halaga ng pera. Kumain ng alikabok ang mga pulis.

Noong Lunes ng tanghali, hinoldap ng apat armadong lalaki ang automated teller machine (ATM) na loob ng isang mall sa Dasmariñas, Cavite. Tini-yempuhan ng mga holdaper na nilalagyan ng pera ng mga teller ang ATM at saka sinalakay. Lumaban ang dalawang guwardiya at kapwa nasugatan. Mabilis ang pangyayari at natangay ng mga holdaper ang hindi pa mabatid na halaga ng pera. Tumakas ang mga holdaper sakay ng isang van.

Walang police visibility sa lugar kaya malayang nakatakas ang mga holdaper. Walang nakahabol na pulis kaya malaki ang posibilidad na sasalakay muli ang mga holdaper. Magpapalamig lamang at saka dadagit. Sabi ng police director ng Region 4-A, nagsasagawa na ng manhunt operation sa mga holdaper.

Laging ganyan ang nangyayari kapag nakapagsagawa na ng pagnanakaw ang mga masasamang loob. Hinahabol na umano. Mayroon nang impor-masyon kung saan nagtatago. Bakit ba hindi panatilihin ng PNP na magpatrulya sa mga lugar kung saan ay maraming tao at kung saan may business establishment kagaya ng mga banko, money changer, pawnshop at iba pang negosyo? Bakit ba hindi magposte ng mga pulis sa mga mataong lugar para magdalawang isip ang mga k******n.

Hindi naman sana mahimbing sa pagkakatu-log sa pansitan ang mga miyembro ng PNP. Mas­yado na ngang apektado ang kanilang imahe sa naganap na hostage-taking, pati ba naman mga hol­daper ay kaya silang pagtawanan. Magbantay at magmanman lalo ngayong “ber” months.
SOLONG MGA INSUREKTUS

statesville

Every Christian has GPS -God-Provided Salvation!
It may not guide you to everywhere you want to go in this world, but it will ensure  that you arrive safely in heaven.

hubag bohol


Noong Lunes ng tanghali, hinoldap ng apat armadong lalaki ang automated teller machine (ATM) na loob ng isang mall sa Dasmariñas, Cavite. Tini-yempuhan ng mga holdaper na nilalagyan ng pera ng mga teller ang ATM at saka sinalakay. Lumaban ang dalawang guwardiya at kapwa nasugatan. Mabilis ang pangyayari at natangay ng mga holdaper ang hindi pa mabatid na halaga ng pera. Tumakas ang mga holdaper sakay ng isang van.

Kon asa ang kwarta, mao nay target sa mga tulisan. Sa dihang gipangutana ang banggiitang bank robber nga si Willie Sutton nganong bangko jud ang iyang tirada, niya pa, "Because that's where the money is."
...than to speak out and remove all doubt." - Abraham Lincoln

Visit www.kwikcare-philcare.com - Most affordable HMO Health Insurance in the Philippines