NARITO NA ANG KAABANG-ABANG NA PAGBABAGO SA KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT!
Press Release - Sa latest Facebook post ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Art Tugade, galak niyang ibinahagi ang pagsasakatuparan ng isa na namang proyektong matagal nang inaabangan ng ating mga kababayan— ang KALIBO INTERNATIONAL AIPORT.
Ani Sec. Tugade, “Sa darating na Huwebes, pasisinayaan na ‘ho natin ang completed airport development project sa KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT—ang gateway patungong Boracay.
“NOON ‘ho, dahil napakaliit at napakasikip ng Kalibo International Airport, halos siksikan at kabi-kabila ang hirap na narararanasan ng mga pasahero.
“Kakaunti lamang ang kayang i-accommodate na pasahero ng passenger terminal building nito, lalo na tuwing sasapit ang peak hours.
“NGAYON, natapos na ang expansion and extension works ng airport. Mula sa dating 1,584 sq. meters na area, ngayon ay 2,633 sq. meters na ang area ng International Terminal Building ng KIA.
“Dahil dito, mas lumaki na ang covered exterior lobby para sa mga pasaherong pumipila sa labas ng terminal.
“Mas pinalaki na rin ang pre-departure area, na siyang makatutulong upang komportableng makaupo at maghintay ang mga kababayan nating nag-aabang ng kanilang mga flight.
“Mas malaki na rin ang space para sa Customs, Immigration at Pre-Screening ng mga pasahero.
“Mas pinalaki na rin ang espasyo para sa airline check-in counters upang makatulong sa pag-cater sa mas maraming biyahero.
“Maliban sa hatid nitong comfort and convenience, nagbigay daan din ang airport development project na ito upang makatulong sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan sa Aklan. Sa katunayan, habang nasa construction phase ang proyekto, umabot sa 236 na katao ang nabigyan ng trabaho, habang 316 naman ang kasalukuyan ay nagtatrabaho na sa paliparan.”
#DOTrPH
#ArtTugade #Boracay #KaliboInternationalAirport #Aklan #AviationAndAirportsSectorWorks #BUILDBUILDBUILD #ComfortableLifeForAll
https://www.facebook.com/106472688264785/posts/122170820028305/?d=n *Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.
START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121344.0